NAKINABANG sa programang “Ronda Barangay” at sa Free Wifi Project ang mga residente ng Barangay Digkilaan, isang hinterland barangay sa Iligan City.
Ang Ronda Barangay” ay isang one-stop service program na pinasimulan ng Chamber of Commerce and Industry Foundation ng Iligan, Inc. (CCIFII) sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan at pribadong sektor.
Itong Barangay Ronda ay nagbibigay ng tunay na serbisyo, hindi lang sa ngayon. Nag-iisip kami ng pangmatagalan. Panahon na para tulungan nating lahat ang isa’t isa,” ani CCIFII President Reggie Punongbayan.
Sa Ronda Barangay, ibinahagi ng iba’t ibang stakeholders ang kanilang mga programa at serbisyo sa mga residente. Ang Livelihood and Entrepreneurial Agriculture Program para sa Iligan ay nakatuon sa pagtulong sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng kanilang “Adopt a Farmer” program, kung saan ang mga interesadong magsasaka ay susuportahan sa pag-aaral at sa pangangailangan ng access sa merkado.
Bukod pa rito, nag-alok ang Technical Education and Skills Development Authority ng libreng skills training na may mga scholarship sa mga residenteng interesadong matuto ng carpentry at masonry. Ang mga bihasang karpintero o mason ay maaari ring sumailalim sa mga pagtatasa upang makakuha ng mga pambansang sertipiko na makakatulong sa kanilang pagtatrabaho.
Samantala, ibinahagi ng Department of Trade and Industry na maaari nang magparehistro ang mga lokal na negosyante para sa business permit online.
Ayon kay Dr. Rosario Reserva, direktor ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology WE CARE Extension Program, ang unibersidad ay nagtalaga ng mga programa para sa mga babaeng magsasaka. Bukod pa rito, magsasagawa sila ng mga pagsusuri sa kalusugan at nakatuon sa pagtataguyod ng kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat sa mga mag-aaral. Sa kabilang banda, ang St. Peter’s College ay magsasagawa ng computer literacy classes para sa mga residente.
Ang Philippine Red Cross ay nagsagawa ng bloodletting activities, feeding programs, at tamang paghuhugas ng kamay para sa mga bata. Natutunan din ng mga residente ang mga basic life skills kung sakaling magkaroon ng emergency. Halaw mula sa PIA