28.9 C
Manila
Huwebes, Enero 30, 2025

‘Paratren na ang Pasko,’ sinimulan ng LRT-2, MRT-3

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHAYAG noong Lunes, Nobyembre 6, 2023, ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang mga holiday-themed na tren, na ginawa para maging masaya ang paglalakbay para sa mga commuter.

Pinangunahan ni Transport Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino ang paglunsad ng โ€œChristmas Trains,โ€ na sinasabing mga set ng tren na naglalayong magpalaganap ng saya sa mga commuter sa panahon ng kapaskuhan.

Nakasuot ng mga kulay ng Pasko, si Aquino, kasama si Santa Claus, ay nakipag-ugnayan din sa mga commuter at nagpakalat ng holiday cheer sa pamamagitan ng pamimigay ng mga kendi at tsokolate sa mga commuter sa MRT-3 Ayala Station at LRT-2 Cubao Station.

โ€œSa ating mga Christmas trains, layon namin makapagbigay ng kahit konting saya sa kanilang araw, lalo na sa mga pagod na komyuter habang silaโ€™y pauwi galing sa kanilang trabaho,โ€ ani Aquino.

Sumali rin si Aquino sa mga koro sa mga istasyon sa Cubao ng MRT-3 at LRT-2 na nakadagdag sa kasiyahan na dulot ng holiday-themed trains.

โ€œMeron din tayong choir, ito ay mga mahuhusay na empleyado ng MRT-3 at LRT-2 na every other day, maglilipat lipat ng istasyon, para magbigay saya sa ating mga pasahero,โ€ dagdag ng opisyal.

“Sa pamamagitan ng programang ParaTren ang Pasko, maipapadama namin ang diwa ng pagmamahal at kasiyahan ng Pasko. ‘Yung Christmas vibes na biyahe ang aginaldo namin sa bawat pasahero,” sabi ni Hernando Cabrera, administrador ng Light Rail Transit Authority na nakiisa rin sa selebrasyon.

Ang kanilang presensya, sabi ni Aquino, ay hindi lamang nagpaningning sa masayang kaganapan kundi binibigyang-diin din ang pangako ng Railways Sector na gawing ligtas ngunit masayang karanasan ang pagbibiyahe sa panahon ng Pasko. (Halaw mula sa LRTA/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -