29.5 C
Manila
Miyerkules, Enero 22, 2025

Skills training sa pagpoproseso ng isda, pinalalakas sa lalawigan ng Cotabato

- Advertisement -
- Advertisement -

PINALAKAS dito sa lalawigan ng Cotobato ang paghahasa sa kasanayan ng mamamayan, partikular sa fish processing, upang mabigyan ang mga partisipante ng karagdagang kaalaman na magagamit sa kanilang kabuhayan.

Larawan mula sa Lalawigan ng Cotabato

Kamakailan, magkasunod na skills training sa pagpoproseso ng isda ang isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist sa mga bayan ng Matalam at Makilala.

Sa bayan ng Matalam partikular sa Barangay Linao, abot sa 70 partisipante ang nakilahok sa pagsasanay. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga mangingisda, nagtitinda ng isda, solo parents, mga benepisyaryo ng 4Ps, at mga miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan.

Sa Barangay New Bulatukan sa bayan ng Makilala naman ay 70 indibidwal din ang nakiisa sa pagsasanay. Ang mga ito ay mga miyembro ng New Bulatukan Rural Improvement Club at 4-H Club.

Sa pagsasanay ay tinalakay ang topikong, post-harvest technology on fish. Tinuruan din ang mga partisipante ng paggawa ng tilapia lamayo, daing, at bagoong. Dagdag pa dito, nabigyan din ng kaalaman ang mga partisipante kung paano maiwasan ang pagkalugi sa produksyon ng isda sa pamamagitan ng pagpoproseso sa pagkakataong may labis na ani.

Ayon kay Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, isa sa mga prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang makapagbigay ng oportunidad sa mamamayan upang mapalawak ang kanilang kaalaman at mabigyan ng dagdag na mapagkakakitaan.

Ang pagsasagawa ng skills straining ay daan din upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Cotabateño lalo na sa usaping pang-agrikultura. (SJDM/ PIA COTABATO PROVINCE)

Mga larawan mula sa Lalawigan ng Cotabato

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -