PINAPAYUHAN ng state insurance fund na Government Service Insurance System (GSIS) ang mga miyembro at pensioner na ang punong tanggapan nito sa Pasay City at ang sangay nito sa Quezon City na matatagpuan sa kahabaan ng Elliptical Road ay bubuksan ngayong Sabado, Nobyembre 11.
Sa isang pahayag, ang nasabing mga opisina ng GSIS ay magbubukas ngayong Sabado, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon para sa sumusunod na mga serbisyo:
- pagpapatala sa eCARD
- pagre-release ng eCARD
- Mga aplikasyon ng pautang (over-the-counter)
- Pagpapalabas ng tseke (mga tseke ng claim sa social insurance lamang)
Hinihikayat ng GSIS ang mga aktibong miyembro nito at mga EC pensioner na naninirahan o nagtatrabaho sa Metro Manila, Cavite, Rizal, at mga kalapit na lugar na hindi pa nakarehistro para sa kanilang GSIS eCARD na samantalahin ang pagkakataong ito.