26.7 C
Manila
Sabado, Enero 25, 2025

Babala tungkol sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong gamot

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAPAYUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong gamot na Benzalkonium Chloride (Benzellin) 0.13% Tincture 7.5mL.

 

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang nasabing gamot ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulangawtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR). Dahil dito, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad, kaligtasan at bisa nito. Samakatuwid, ang paggamit ng nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Alinsunod sa Republic Act No. 9711, o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.

Ang lahat ng establisyamento at/o entidad ay binabalaang huwag mamahagi ng nasabing iligal na produkto hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang awtorisasyon. Karampatang parusa ay mahigpit na ipatutupad sa mga lalabag. Ugaliing tignan kung rehistrado ang produkto sa FDA sa pamamagitan ng FDA Verification Portal feature na makikita sa https://verification.fda.gov.ph.

Hinihiling sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring mag-email sa [email protected]. Upang mag-report ng patuloy na pagtitinda o pangangalakal ng mga hindi rehistradong gamot, mag-email sa [email protected]. Maaari ring tumawag sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) sa numerong (02) 8809-5596.  Para sa mga hinihinalang hindi kanais-nais na reaksyon sa gamot, i-report agad sa FDA gamit ang link na ito: https://primary reporting.who-umc.org/Reporting/Reporter?OrganizationID=PH at kumpletuhin ang mga kinakailangang impormasyon.

Ang lahat ay hinihikayat na palaganapin ang mga nakasaad na impormasyon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -