27.2 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

DBM, naglaan ng halos P20-bilyon sa protective services program ng DSWD para sa mga nangangailangan sa ilalim ng 2024 national budget

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHAYAG ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang paglalaan ng P19.97 bilyon para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Ang nasabing alokasyon ay magsisilbing tulong-pinansyal sa tinatayang 3.9 milyong benepisyaryo sa buong bansa.

“We are strengthening social protection measures to ensure that no one will be left behind, especially the marginalized and vulnerable sectors. This is the mandate of our President Ferdinand R. Marcos Jr., and we will make sure to exert all necessary efforts to make this attainable,” (“Pinapalakas natin ang social protection measures para matiyak na walang maiiwan, lalo na ang marginalized at vulnerable sectors. Ito ang utos ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at sisiguraduhin nating gagawin ang lahat ng kinakailangang pagsisikap upang ito ay matupad,”) pagdidiin ni Secretary Pangandaman.

Sa kanyang Budget Message, ipinunto ni Pangulong Marcos Jr., ang nararanasan pa ring epekto ng pandemiya sa bansa.

“The harsh effects of the pandemic are still heavily felt by many, especially the most vulnerable. To address this, I have approved the National Economic Development Authority’s (NEDA) recommendation for the Social Protection Floor (SPF) framework which aims to institutionalize existing social protection programs,” (“Ang malupit na epekto ng pandemya ay nararamdaman pa rin ng marami, lalo na ang mga pinaka-mahina. Upang matugunan ito, inaprubahan ko ang rekomendasyon ng National Economic Development Authority (NEDA) para sa balangkas ng Social Protection Floor (SPF) na naglalayong i-institutionalize ang mga kasalukuyang programa sa proteksyong panlipunan,”) ayon sa Pangulo.

Isang mahalagang elemento ng programa ng PSIFDC ay ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na layong magbigay ng isang komprehensibong hanay ng mga serbisyo, kasama ang cash assistance para sa pagkain, transportasyon, mga serbisyong medikal, gastos sa libing, at iba pang mahahalagang pangangailangan ng nasa marginalized sector.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -