25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

8 natatanging pulis sa Oriental Mindoro, pinarangalan

- Advertisement -
- Advertisement -

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Oriental Mindoro, kinilala at pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan ang walong pulis na nag-ambag ng kanilang dedikasyon at serbisyo para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan. Ito ay ginanap sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo noong Nobyembre 13.

Pinangunahan ni Gob. Humerlito Dolor katuwang sina Police Provincial Director, Col. Samuel Delorino at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang paggawad ng parangal sa itinuturing na Oriental Mindoro’s Finest Outstanding Policemen 2023.

Walo ang napili at tumanggap ng plake ng pagkilala at cash prize sa nasabing parangal. Ito ay sina, PLtCol Michael  Caraggayan, Force Commander ng 1st Police Moblie Force Company (PMFC); PLtCol Romeo Pladia Jr, Deputy Provincial Director for Administration; PCpt Roberto De Guzman, pinuno ng Provincial Drug Enforcement Unit; Police Executive Master Sargent (PEMS) Wyson Bersoto, Chief Intelligence ng Baco Municipal Police Station; PEMS Vernadeth Faltado, ng 1st PMFC; PEMS May Bautista, Women and Children Protection Desk (WCPD) Police Non-Commissioned Officer (PNCO) ng Calapan City Police Station; Police Chief Master Sargent Vicentico Acedera, Acting Provincial Supply Accountable Officer, OrMin Police Provincial Office at PCpl Vanessa Ardid, PNCO.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng gobernador sa mga pulis na siyang may malaking papel na ginagampanan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan, “Wala ang ating pinag-uusapang kaunlaran, wala ang ating pinag-uusapang galing sa turismo, wala ang ating pinag-uusapang kakayahan ng mga negosyante at kinabukasan ng mga kabataan kung walang kapayapaan. Ang nagtatahi ng lahat ng ito ay ang seguridad ng ating lalawigan.”

Samantala, nangako ang walong pulis na patuloy silang maglilingkod sa bayan at sa mga lugar na kanilang nasasakupan at sa institusyon na kanilang inaaniban. (PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -