27.2 C
Manila
Linggo, Nobyembre 17, 2024

Mga ordinansang may kinalaman sa Karapatan ng Pamilyang Tanaueño, mas pinalawig

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG masigurong napangangalagaan ang karapatan ng bawat Pamilyang Tanaueño, sinimulang ilunsad noong ika-13 ng Nobyembre ang Information Caravan patungkol sa mga Gender and Development Ordinances na ipinatutupad sa Lungsod ng Tanuan, Lalawigan ng Batangas.

Ito ay sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Gender and Development Office (GAD).

Paunang ibinaba ang programa sa Brgy. Poblacion 1, 2, at 3 kung saan bahagi ng aktibidad ay ang Information Caravan patungkol sa City Ordinance No. 2022-21 o ang pag-amyenda sa Gender and Development Code ng lungsod.

Tinalakay rin ang City Ordinance 2023-01 o ang ordinansa patungkol sa Children Welfare and Development Code ng lungsod.

Samantala, namahagi rin ng groceries ang lokal na pamahalaan bilang suporta sa bawat pamilyang Tanaueño na bahagi ng inisyatibo ng alcalde na matugunan ang kanilang pangangailangan.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -