PINANGUNAHAN ng Philippine Press Institute (PPI) sa pakikipagtulungan ng International Media Support (IMS) ang paglulunsad ng Batangas Media-Citizens Council na ginanap sa Mabini Hall, Hotel Pontefino sa lungsod ng Batangas noong ika-10 ng Nobyembre 2023.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Ariel Sebellino, PPI executive director, na mahalaga ang pagbubuo ng naturang konseho sapagkat ito ang tutulong o magsisilbing mediator sa pagitan ng media at publiko sakaling may mga usapin na kailangang tutukan at maiwasan ang agarang pagsasampa ng kaso tulad ng libel.
Ibinahagi naman ni Joenald Rayos, PPI trustee for Luzon at kasalukuyang presidente ng Batangas Press Club ang mga hakbang na dinaanan bago nabuo ang naturang konseho kung saan kabilang ang iba’t ibang sektor mula sa hanay ng pribado at pampublikong mamamahayag, pagnenegosyo, legal, youth, religious, Fil-Chinese community, academe, socio civic, at kababaigan.
“Ito ay umpisa lamang matapos ang ating paglulunsad ay kailangan din nating umikot sa mga lokal na pamahalaan upang maipakilala ang ating konseho at maipabatid na kung sakaling magkaroon ng mga problema o isyu na kinasasangkutan ng mga media ay mayroong samahan na maaaring mamamagitan sa dalawang panig,” ani Rayos.
Pinangunahan ni 5th District Representative Marvey Marino ang panunumpa ng mga itinalagang Board of Trustees and Officers ng naturang konseho na kinabibilangan ng mga sumusunod:
• Board of Trustees Chairperson: Joenald Rayos;
• Vice Chairperson-Rogelio Fabie;
• Secretary-Maricia Lualhati;
• Treasurer: Cara Mia Fabiana Alolod;
• Trustee: Willy Wong at Melinda Manalo;
• Sectoral Representatives:
Joenald Medina Rayos (Batangas Press Club)
Broadcast media – Rogelio Fabie (99.1 Spirit FM)
Print Media – Melinda Manalo (Dyaryo Veritas)
Online Media – Jameson Rieta (Balisong Channel)
Government Media – Mamerta P. De Castro (PIA Batangas)
Legal – Atty. Joel Atienza (IBP Batangas);
Business – Atty. Roel Garcia – (Metro Batangas Business Club)
Religious – Fr. Leonido Dolor (Archdiocese of Lipa)
Academe – Dr. Vanessa Castillo (BatStateU)
Fil-Chinese Community – Willy Wong(Batangas Fil-Chineses Chamber of Commerce and Industry)
Youth – Jayson Aguilon (Batangas Crown Diamond Leo Club)
Socio-Civic- Rey Basa (Batangas Crowns Lions Club/ Batangas City Eagles Club)
Women – Cara Mia Fabiana Alolod (BCLC)
Bukod sa paglulunsad, sumailalim din sa seminar ukol sa cyber security, digital hygiene, at ethics in journalism ang mga miyembro ng konseho. (MDC/Batangas PIA)