29.3 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Napolcom tumatanggap ng aplikasyon para sa PESE Written Exam

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG National Police Commission (Napolcom) ay tumatanggap ng mga aplikasyon mula ika-7 hanggang 17 ng Nobyembre 2023 para sa Police Executive Service Eligibility (PESE) Written Examination para sa mga Police Commissioned Officers ng Philippine National Police (PNP) na gaganapin sa Disyembre 9, 2023.

Ang PESE Written Examination ay bukas sa lahat ng mga kwalipikadong miyembro ng PNP na may ranggong Police Lieutenant Colonel (PLTCOL) pataas, na may permanenteng status ng appointment.

Para mapunan ang Index Card, ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring pumunta sa alinmang Regional Office ng Napolcom para sa pagsusumite ng application form na mula sa Regional Office, na maaari ding i-download sa website ng Napolcom www.napolcom.gov.ph.

Para sa pagproseso ng aplikasyon kinakailangang dalhin ng mga aplikante ang mga sumusunod:

1. KSS Form bilang 33/Promotion Order para sa ranggong PLTCOL;
2. Isang (1) 1″ x 1″ na larawan (may kulay) na may name tag (ranggo, una, gitna at huling pangalan);
3. Isang (1) passport-size na larawan (may kulay) na may name tag (ranggo, una, gitna at huling pangalan) na nakalakip sa application form;
4. Isang (1) valid na government-issued na ID (PNP, National ID, Passport, Driver’s License, PRC, atbp.); at,
5. Exam Fee: Pitong-daang Piso (Php700.00).

Ang orihinal na dokumento at photocopy ng KSS Form bilang 33/Promotion Order para sa ranggong PLTCOL ay dapat na maipakita sa panahon ng pagproseso sa NAPOLCOM Regional Office (RO) para sa layunin ng pagpapatunay. Ang photocopy ay magiging bahagi ng mga talaan ng RO.

Ang tatlong oras na pagsusulit ay isasagawa sa PNP National Headquarters, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City (para sa mga magsusulit mula sa Luzon); University of Cebu, Senior High School Campus, Cebu City (para sa mga magsusulit mula sa Visayas); at University of Mindanao, Matina Campus, Davao City (para sa mga magsusulit mula sa Mindanao).

Para sa mga katanungang may kinalaman sa eksaminasyon, maaaring makipag-ugnayan ang isang aplikante sa Regional Office kung saan nito pina-proseso ang kanyang aplikasyon.

Aabisuhan ang mga aplikante sa pamamagitan ng Notice of Admission (NOA) na maaaring ma-access sa website ng Napolcom www.napolcom.gov.ph. Kung sakaling hindi maka-access ang aplikante sa NOA sa loob ng limang (5) araw bago ang petsa ng pagsusulit, maaari nitong i-verify ang status ng kanyang aplikasyon sa Examining Division, Personnel and Administrative Service, Napolcom Central Office sa numerong (02) 8899-0085 at (02) 8403-2588 o sa email address na: [email protected].

Ang Proseso ng PESE ay may dalawang yugto – ang Phase I ay ang Written Exam at ang Phase II ay ang Validation Interview para sa mga nakapasa sa Written Exam, kabilang na dito ang mga nakapasa dati.

Ang mga pumasa sa Proseso ng PESE (Phase I at Phase 2) ay mabibigyan ng Police Executive Service Eligibility (PESE) na siyang kinakailangan para sa promosyon sa ikatlong antas na ranggo sa PNP tulad ng Police Colonel, Police Brigadier General, Police Major General, Police Lieutenant General, at Police General.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -