29 C
Manila
Sabado, Enero 4, 2025

Child-friendly na lugar, pinarangalan sa rehiyon ng Bicol

- Advertisement -
- Advertisement -

DALAWAMPU’T PITONG local government units (LGU) sa rehiyon ng Bicol ang pinarangalan bilang pinaka-child-friendly na lugar sa bansa batay sa resulta ng 2022 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) na inilabas ng Department of Interior and Local Government in Bicol (DILG-5) noong Lunes.

Si Mayor Carlos Irwin Baldo Jr. (gitna) ng Camalig, Albay kasama ang mga bata. (Larawan mula sa Facebook page ni Mayor Baldo)

Sa 27 LGUs, siyam ay nasa lalawigan ng Sorsogon kabilang ang Sorsogon City at mga bayan ng Juban, Pilar, Barcelona, ​​Castilla, Bulusan, Magallanes, Casiguran, at Irosin at walo sa Albay na kinabibilangan ng lungsod ng Legazpi, Ligao, at Tabaco, at ang mga bayan ng Polangui, Libon, at Sto. Domingo, Malilipot, at Daraga.

Limang LGU ang nasa Camarines Sur — ang mga lungsod ng Iriga at Naga at ang mga bayan ng Magarao, Tinambac, at Milaor; apat sa Masbate — Masbate City at mga bayan ng Pio V. Corpuz, Esperanza at Milagros; at San Vicente, Camarines Norte.
Nakuha ng Sorsogon City ang pinakamataas na passing rate sa rehiyon, na may 97 porsiyento; sinundan ng munisipyo ng Pio V. Corpuz sa Masbate, 95.43 percent; Masbate City, 94.13 percent; Juban town sa Sorsogon, 94 percent; at Polangui, 93.95 porsyento.

Lahat ng pumasa sa CFLGA ay karapat-dapat para sa Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) na ibinigay ng Council for the Welfare of Children (CWC) Board.
Sa isang panayam noong Martes, pinasalamatan ni Daraga Mayor Carlywn Baldo ang DILG at CWC para sa pagkilala, at sinabing isang pribilehiyo ang mapabilang sa listahan ng inaasam-asam.
“Ang milestone na ito ay naging posible dahil sa pinagsama-samang pagsisikap ng ating mga lokal na departamento sa pagtiyak ng proteksyon, pag-unlad, at kapakanan ng ating mga anak. Nangangako tayong sustinihin ang mga tagumpay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng higit pang mga patakaran, programa, at serbisyo na tutugon sa kanilang pangangailangan,” aniya pa.
Pinuri rin ni Polangui Mayor Adrian Salceda, sa isang post sa social media, ang bayan sa pananatili nito sa unang puwesto sa lalawigan ng Albay at panglima sa buong rehiyon.P1

Para makapasa ang isang LGU sa audit, dapat itong makakuha ng kabuuang passing rate na 80 porsiyento kasama ang limang indicator na nakategorya sa ilalim ng mga pangunahing karapatan ng mga bata — survival, development, proteksyon, partisipasyon, at pamamahala. (PNA)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -