29.6 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

PBBM hinimok ang mga Pilipino na magbahagi ng mga biyaya sa mga mahihirap sa Pista ng Immaculate Conception

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayon (Disyembre 8, 2023) ang mga mananampalatayang Pilipino na kumuha ng inspirasyon mula sa salaysay ng Immaculate Conception sa pagharap sa mga limitasyon, at palakasin ang kanilang pananampalatayang Kristiyano sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga biyaya sa mga mahihirap at marginalized.

Larawan mula sa TMT

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Pista ng Immaculada Concepcion sa Pilipinas kung saan 80 porsiyento ng populasyon ay mga Katoliko, nananawagan si Pangulong Marcos sa mga Pilipino na “yakapin ang mga birtud ng kadalisayan, kahinhinan at pananampalataya.’

“During these challenging times for our country, let us draw inspiration from the narrative of the Immaculate Conception as we overcome our limitations and draw on our strengths to see the world with grateful hearts and explore the deep meaning of our purpose in life,” (“Sa mga mapanghamong panahon na ito para sa ating bansa, gawin nating inspirasyon ang istorya ng Immaculate Conception habang nilalampasan natin ang ating mga limitasyon at nagagamit ang ating mga lakas upang makita ang mundo na may pusong nagpapasalamat at tuklasin ang malalim na kahulugan ng ating layunin sa buhay,”) sabi ni Marcos.

Larawan mula sa TMT

Pista ng Immaculate Conception

Ang Pista ng Immaculate Conception ay selebrasyon ng mga Katoliko sa pagbubuntis ni Maria nang walang sala.


Bagaman ang kapistahan ay ginaganap sa liturgical season ng Advent, na paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo, ang Immaculate Conception ay ang conception ni Maria sa tiyan ng kanyang in ana si St. Anne.

Ang pagdiriwang ng kapistahan ay nagsimula sa isang Papal encyclical ni Pope Pius IX nang pormal niyang tinukoy ang dogma ng Immaculate Conception, Ineffabilis Deus, noong Disyembre 8, 1854.

Sa liturgical calendar ng Simbahang Katoliko, ang ika-8 ng Disyembre ay isang natatangi at mahalagang araw bilang kapistahan ng Immaculate Conception, ang patron ng Pilipinas na tinawag na “Pueblo Amante de Maria” o bansang minahal ni Maria.

Isang holy day of obligation sa mga Katoliko ang kapistahan ng Immaculada, at tradisyon na ang pagsisimba. Ang pananalangin sa Immaculada Concepcion ay nagsimula noong Pebrero 6, 1578 nang iniutos ni Pope Gregory 13th na ang Manila Cathedral sa Intramuros ay dapat itayo sa ilalim ng tawag na “Shrine of the Immaculate Conception.”

- Advertisement -

Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang pagdiriwang ng kapistahan noong ikasiyam na siglo. Pinalaganap ito sa daigdig ni Papa Sixto 4th noong 1476, at nang sumapit ang Disyembre 8, 1854, sa harap ng may 54 na Cardinal, 42 Arsobispo, 92 Obispo at hindi mabilang na deboto mula sa iba’t ibang panig ng mundo, nilinaw at ipinaliwanag ni Pope Pius 9th ang teaching ng Kalins-linisang Paglilihi kay Maria. Ipinahayag na si Maria, sa kabila ng pagiging ina ni Kristo ay nanatiling ligtas sa orihinal na kasalanan sa simula pa ng kanyang buhay, isang kathambuhay ng mapanubos na pag-ibig at talino ng Diyos. Ang Immaculada Concepcion ay pagdiriwang ng pagbibigay-dangal sa lahi ng ‘sangkatauhan. Si Maria ang ispirituwal na ina ng lahat ng tao.

Ayon naman sa sinulat ni Pope Paul 6th na “Marialis Cultus”(Culture of Mary), si Maria ay minahal ng Diyos para sa kapakanan at kabutihan ng tao.

Naragdagan ang kahalagahan ng dogma ng Immaculate Conception sa aparisyon ng Our Lady of Lourdes noong Pebrero 11, 1858 kay St. Bernadette.

Ngayong Disyembre 8 ay nagdiriwang ng kapistahan ang Antipolo City sa Rizal, Naic sa Cavite, Pasig City, Malabon City at Concepcion sa Marikina City, Concepcion sa Tarlac, at iba pang bayan na ang patron ay ang Birhen ng Immaculada Concepcion.

Bukod dito, ipinagdiriwang din ng mga bansang Katoliko, gaya ng Spain, Portugal, at Brazil, ang Imamaculate Conception bilang patronal feast, habang prime national holiday naman sa Argentina, East Timor, Italy, Monaco, at Peru. Halaw sa artikulo ni Catherine Valente at sa pagsasaliksik ni Lea Manto-Beltran

 

- Advertisement -

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -