27.1 C
Manila
Huwebes, Disyembre 19, 2024

Natatanging QCitizen OFW families, binigyang pagkilala

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG pagkilala ng lokal na pamalahaan ang mga natatangi at modelong QCitizens overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa ginanap na 1st Ka-Kyusi Waging Pamilya OFW Award na pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO).

Hango ang award sa Model OFW Family of the Year Award ng national government at layon nitong magbigay importansya sa mga tagumpay at kontribusyon ng mga OFWs sa Lungsod Quezon.

Anim na OFWs at kanilang pamilya sa lahat ng distrito sa QC ang pinarangalan. Lahat ay may natatanging kwento ng pakikipagsapalaran at tagumpay bilang mga migrante sa malalayong bansa kaakibat ang kanilang sakripisyo at determinasyon para sa kanilang pamilya.

Nagsilbing speakers sina Department of Migrant Workers National Capital Region Regional Director Celso Hernandez Jr. at PESO Manager Rogelio Reyes.

Pagbati sa mga award-winning QC families:

District 1 – Tangonan Family

District 2 – Turzar-Fetalsana Family

District 3 – Picones-Chan Family

District 4 – Garcia-Fernandez Family

District 5 – Cano-Nueva Family

District 6 – Apo-Dalit Family

Sa anim na pamilyang napabilang, kinilala ang Tangonan Family bilang main winner sa City Level Ka-Kyusi Waging Pamilyang OFW award. (QC PAISD/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -