NARITO ang mga pangunahing pangyayari sa lungsod ng Quezon City mula December 3 hanggang 9, 2023.
Hinirang ang QC Council bilang National Winner sa 2023 Local Legislative Award mna inorganisa ng Philippine Councilors League (PCL) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Tinanggap ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at Majority Floor Leader Doray Delarmente ang National Winner award sa Highly Urbanized Cities category para sa Quezon City Council.
Kaisa sa awarding ceremony sina DILG Usec. Odilon Pasaraba, PCL National President Coun. Handy Lao at PCL National Chairman Atty. Raul Corro.
Samantala, maagang pamasko ang hatid ng pamahalaang lungsod sa mga chikiting mula sa day care centers sa QC. Tinatayang 3,415 day care children at kanilang guardian mula sa District 4 ang nakiisa sa Christmas party na inorganisa ng Social Services Development Department (SSDD). Nakatanggap din sila ng loot bags, snacks, at pamaskong handog na maaaring pagsaluhan ng kanilang pamilya.
Sa kabilang banda, dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Human Rights and Sustainable Development Conference sa Paris, France na inorganisa ng French Development Agency (Agence Française de Développement o AFD).
Sa pangunguna ni Farid Lamara, tinalakay sa pulong kung paano mas mapapaunlad ang pagrespeto at proteksyon sa karapatang pantao. Nagbahagi rin ng kanilang obserbasyon ang ilang natatanging stakeholders sa kasalukuyang sitwasyon ng karapatang pantao sa buong mundo.
Ang AFP Group ay nagpopondo, sumusuporta at nagtutulak ng mga hakbang para sa mas patas at sustainable na mundo. Nakatutok sila sa pagsasakatuparan ng Sustainable Development Goals (SDGs) sa larangan ng climate, biodiversity, peace, education, urban development, health at governance sa 150 bansa.
Ilan sa mga naging speaker sa pulong sina Thomas Melonio- Executive Director Innovation, Research, Strategy, AFD; Delphine Borione- Ambassador for Human Rights, Ministry of Europe and Foreign Affairs; Marianna Belalba- Director of research on civic space, Civicus.
Idinaos ang kumperensya kasabay ng ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights at ang ika-25 na anibersaryo ng United Nations Declaration on Human Rights Defenders.
Kabilang din sa dumalo sa pulong si Spark Philippines, Executive Director Maica Teves.