27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

๐— ๐— ๐—™๐—™ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ Parada ng mga Bituin gaganapin sa Camanava areaย 

- Advertisement -
- Advertisement -

ISASAGAWA ang parada ng mga bituin kaugnay ng ika-49 na pagtatanghal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Sabado, Disyembre 16 sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela o mas kilala bilang Camanava.

Kasama sa parada ang mga karosa na kumakatawan sa 10 kalahok na pelikula sa MMFF ngayong taon tulad ng โ€œA Family of 2 (A Mother and Son Story),โ€ โ€œ(K)Ampon,โ€ โ€œPenduko,โ€ โ€œRewind,โ€ โ€œBecky and Badette,โ€ โ€œBroken Heartโ€™s Trip,โ€ โ€œFirefly,โ€ โ€œGomBurZa,โ€ โ€œMallari,โ€ at โ€œWhen I Met You in Tokyo.โ€

 

Ang taunang parada ay babagtas sa apat na siyudad, ang kauna-unahan sa kasaysasay ng MMFF.

Dahil dito, pinapayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang nag-organisa ng taunang pagtatanghal, ang mga motorista na iwasan ang mga kalsada na dadaanan ng parada na inaasahang dadagsain ng mga tagahanga ng mga kalahok na artista.

Magsisimula ang parada ng alas-2 na hapon sa Navotas Centennial Park; at dadaan sa C4, Samson Road, at Mc Arthur Highway hanggang sa Valenzuela Peopleโ€™s Park kung saan magkakaroon ng programa.

Tinatayang aabot sa 8.7 kilometro ang tatahakin ng parada na aabot ng tatlong oras.

Ayon kay MMDA Acting Chairman at tumatayo ring MMFF Over-all Chairman Atty. Don Artes, 1,000 tauhan, na binubuo ng mga traffic enforcer, mga miyembro ng Road Emergency Group, Public Safety Division, Sidewalk Clearing Operations Group, Towing and Impounding Group, Traffic Engineering Center, at iba pa, ay ipapakalat sa ruta ng parada.

Magpapatupad ang MMDA ng pansamantalang pagsasara ng lane at counterflow mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-8 ng gabi sa mga sumusunod na kalsada:

  • C-4 Road (mula Navotas Centennial Park hanggang A Mabini St.)
  • Samson Road (mula A. Mabini St. hanggang Monumento Circle)
  • Mc Arthur Highway (mula Monumento Circle hanggang C. Santos Street)

Ang mga kalsada ay bubuksan matapos

Bubuksan ang mga kalsada pagkatapos makadaan ang lahat ng karosa.

Heavy traffic is expected along Samson Road, Mc Arthur Highway and perpendicular Roads as movie fans are anticipated to flock the streets to see their favorite stars.

Inaasahan ang matinding trapiko sa kahabaan ng Samson Road, Mc Arthur Highway at perpendicular Roads dahil sa mga dadagsang mga tagahanga ng pelikula sa mga lansangan upang makita ang kanilang mga paboritong bituin.

Ang mga motoristang walang negosyo sa lugar ay hinihikayat na iwasan ang apektadong ruta upang maiwasan ang abala at dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta:

  • Mula Malabon patungong Navotas, dumaan sa Gov. Pascual at M. H. Del Pilar Street
  • Ang mga motoristang patungo sa Monumento ay maaaring dumaan sa Gov. I Santiago Road, M. H. Del Pilar Street, at Samson Road
  • Maaari ring dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) northbound at southbound

Ang 49th MMFF ay magsisimula sa Disyembre 25 at matatapos sa Ebery 7, 2024. Layunin ang pagtatanghal na isulong at palakasin ang preserbasyon ng pelikulang Pilipino.,

Katuwang ng MMFF sa taong ito ang Philippine Charity Sweepstakes Office kung saan ang kikitain ay mapupunta sa ilang benepisyaryo sa industriya ng pelikula kabilang ang Movie Workers Welfare Foundation Inc., Motion Picture and Anti-Film Piracy Council, ang FDCP, at ang Optical Media Board.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -