30.2 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

Muntinlupa City tumanggap muli ng Gawad Kalasag Seal of Excellence Award

- Advertisement -
- Advertisement -

GINAWARAN muli ang Muntinlupa ng “Beyond Compliant Rating” sa Gawad Kalasag Seal for Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs) Category for CY 2023.

Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, “Ibig sabihin nito, nahigitan nating muli ang standards para sa establishment at functionality ng LDRRMCOs alinsunod sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 o RA 10121.”

Dagdag pa ni Biazon, “Maraming salamat sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pagkilala sa ating disaster and management program initiatives! Congratulations din sa ating LDRRMC at Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management.”

Nangako rin ang alkalde na patuloy pang palalakasin ang emergency and disaster response capability ng lungsod ng Muntinlupa alinsunod sa Kapayapaan at Kaayusan Agenda muntinlsa ilalim ng 7K Agenda.

Balikan natin kung ano ang 7K Agenda. Ito ay ang agenda ng One Muntinlupa — ang sandigan ng bawat program at service na nais nating ipatupad sa lungsod:

Katarungan – Pantay-pantay na karapatan sa serbisyo, oportunidad, at proteksyon sa ilalim ng batas

Karunungan – Mataas na Kalidad ng edukasyon

Kalusugan – Accessible na serbisyong pangkalusugan

Kaunlaran – Makabagong sistema at solusyon para sa negosyo, pamumuhunan, pamamahala at imprastraktura

Kapayapaan/Kaayusan – Katiyakan sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan

Kabuhayan – Oportunidad na maging produktibo para sa lahat

Kalikasan – Pangangalaga ng likas na yaman at proteksyon ng kapaligiran

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -