26.1 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

Ipinaalala ni Pasay Mayor Emi Calixto ang E.M.I.- Evaluate, Monitor at Innovate

- Advertisement -
- Advertisement -

“Malinaw naman na sa ating tinatahak na landas, tayo ay nasa tamang puwesto at tamang lugar. And in the near future, all our dreams and visions will eventually become a reality,” anang Ina ng Lungsod ng Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano sa kanyang mensahe sa pagpupugay sa watawat noong Disyembre 12, 2023 sa pangunguna ng Office of Congressman Tony Calixto.

Binigyang-diin ni Mayor Emi ang E.M.I.- Evaluate, Monitor at Innovate na siyang magiging basehan ng pagtatapos na mga gawain para sa mga proyekto ng lungsod upang mapatunayan kung ito ay epektibo at higit na mapabuti pa para sa darating na taon.

Ang pagbibigay ng tapat at higit pa sa sapat ay paraan ng paglilingkod sa bawat Pamilyang Pasayeño. Ang natutunan mula kay Cong. Tony at sa kanyang mga proyekto ay nakatulong upang lalo pang pag-ibayuhin ang serbisyo para sa taga-Pasay tulad ng educational assistance o TCIC saad pa ni Mayor Emi na siyang diwa ng pagiging isang pamilya.

Ibinahagi din ng Punong Lungsod ang tagumpay na natamo ng Pasay mula sa Seal of Good Local Government (SGLG) mula sa Department of Local and Interior Government (DILG), ang pagpasa ng mga nars mula sa City University of Pasay (CUp) na higit na mataas sa national passing rate gayundin ang mga abogado ng pamantasan ng lungsod na nakapasa din sa bar exams na kamakailan ay inilabas. Binati rin niya si Vice Mayor Ding del Rosario na isa nang ganap na abogado sa pagpasa rin nito sa Bar Exams.

Ang mga tagumpay na ito ay patunay na tama ang tinatahak na landas ng lungsod. Inalala din ni Mayor Emi ang mga sinabi ni G. Michael Angelo Lobrin sa ginanap na GAD seminar na inorganisa ng City Planning and Development Office na magpatuloy sa pagiging “focused” at laging maging mapagpasalamat. (Teksto at larawan mula sa Pasay City Public Information Office)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -