26.4 C
Manila
Huwebes, Pebrero 20, 2025

Makati Health Department namigay ng halamang kontra-lamok

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAMIGAY ng mga halamang kontra-lamok ang Makati Health Department (MHD), sa tulong ng Department of Environmental Services (DES), sa mga residente ng Barangay Pio del Pilar kahapon (Disyembre 13, 2023) ng umaga.

Layunin ng programa na maiwasan ang pagdami ng lamok sa komunidad na maaaring maging sanhi ng dengue at iba pang sakit.

Ang mga halamang tulad ng Citronella, Oregano, Lantana, at Lemongrass ay may natural properties na inaayawan ng mga lamok.

Ayon kay Mayor Abby Binay, bukod sa pag-aalaga ng mga nasabing halaman, hinihikayat pa rin ang mga komunidad na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran para hindi pamahayan ng lamok.

Kasama sa distribution ang mga opisyal ng MHD na sina Dr. Vergel Binay, officer-in-charge; Dr. Roland Unson, Dr. Leeron Borja, Dr. Jerome David, Dr. Eli Earl Romanos, deputy head of Environmental health and sanitation division; Clifford Pacheco, Sanitation Inspector; Engr. Augusto delos Santos, head of the Department of Environmental Services; at Brgy. Captain Hazel Lacia at kanyang council.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -