27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

Pasig Mega Market, 24 oras bukas sa mamimili ngayong Disyembre

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAGBIBIGAY alam sa publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na 24 oras na ang operasyon ng Mutya ng Pasig Mega Market upang bigyang pagkakataon at mas mahabang panahon ang mga mamimili ngayon Holiday Season.

Binibigyang pagkakataon ang publiko na makapamili ng mga prutas, gulay, manok, isda, baboy, bigas, grocery items na panghanda sa Noche Buena at Media Noche, mga damit, laruan, tela, at iba pa na pangregalo para sa Pasko sa mas mahabang oras.

Bagamat 24 oras ang palengke, nakadepende sa mga manininda kung nais nilang magtinda sa buong 24 oras.

Samantala para naman sa proteksyon ng mga mamimili at nagtitinda, lilimitahan ang entrances na maaaring daanan pagdating ng hating gabi. Ang main entrance lamang at mga piling secondary gates lamang ang bubuksan.

Ang 24 operating hours ng Pasig Mega Market ay hanggang sa December 31, 2023. (Pasig City/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -