24.7 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Pekeng SILG arestado

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHARAP kahapon (Disyemre 13, 2023) ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa media ang isang scammer na miyembro ng isang sindikato na ang modus operandi ay gamitin ang kanyang pangalan upang makapanloko at mangikil ng salapi mula sa iba’t ibang lokal na opisyal.

Kinilala ni Sec.Abalos ang suspek na si Edison Samson Montealto a.k.a. Larry Abalos, na inaresto ng mga tauhan ng Office of the Internal Security ng DILG katuwang ang Lingayen Police Station sa isang entrapment operation sa nasabing bayan noong Disyembre 7, 2023.

Ani Sec. Abalos sangkaterbang reklamo ang natanggap ng kanilang tanggapan mula sa iba’t ibang mayor at gobernador, hinggil sa ginagawang pagpapanggap at panloloko sa kanila ng grupo ni Montealto gamit ang kanyang pangalan.

Ilan sa mga naging biktima ng suspek ay sina Governor Abdulraof Macacua ng Maguindanao Del Norte, Mayor Mohammad Ali Matabalao ng Cotabato City, Mayor Arsenia Lim ng Masinloc, Zambales, Mayor Receliste Escolin ng President Roxas, Capiz, at Governor Edwin Ongchuan ng Northern Samar.

“Ang style niya ay ganito: sasabihin niya, ‘Ako si Secretary Abalos. Magpapadala ako ng bigas sa inyo, on the way na dyan.’ [Tapos sasabihin na] ‘medyo nasiraan [ang sasakyan], pakitulungan naman. O kaya baka pwede magbigay ka ng pera, ito GCash ko. Tatawag sa ‘yo staff ko.” Pagkatapos ng tawag, may tatawag at sasabihing siya si Larry Abalos,” kuwento pa ni Abalos.

Tinatayang na nasa P150,000 na ang salaping nakuha ng suspek mula sa kanyang mga naging biktima.

Sinampahan na ng spoofing si Montealto sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11934 o Sim Registration Act at Identity Theft sa ilalim ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act at Estafa.

Ang spoofing ay ang pagpapadala ng maling impormasyon tungkol sa pinagmulan ng tawag o text message, na may layuning manloko, makasakit, o magnakaw ng anumang halaga.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Sec. Abalos ang publiko na mag-ingat sa mga scammer na gumagamit sa kanyang pangalan. DILG

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -