29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Ano ang 12 days of Christmas mo?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG) JUAN

- Advertisement -
- Advertisement -

Juan, ang ganda ng tugtog na yan, ano?

Alin, Uncle? Yung “Twelve Days of Christmas”?

Oo, pag yan ang narinig ko, napapakanta ako.

Ako din, Uncle. Ibig sabihin nyan, malapit na malapit na ng talaga ang Pasko!

Pero, matanong kita, Juan. May sarili ka bang bersyon mo ng 12 days of Christmas? Yung mga gusto mong gawin bago magtapos ang taon para ready na ready ka na sa pagharap sa 2024.


Busy ang lahat ngayon sa pinakamasayang season ng taon. Namamasyal sa kung saan saan. Kumakain sa labas. Nagpaparty. Namimili ng regalo. Naghahanda ng ihahain sa Noche Buena.

Maraming pera ang Pinoy ngayon. Nag-13th month pay. Nag-Christmas bonus. Nakatanggap ng mas malaking mga tip. Nagbubunyi sa maa matabang laman ng wallet.

Walang problema. Minsan lang naman sa isang taon. Pero may gusto akong ibahagi na baka naman puedeng pagisipan natin ang 12 days of Christmas natin na makakatulong sa ating financial goals.

Mahirap namang paggising natin, walang-wala tayo. Sa sobrang saya, ubos-ubos tayo. Parang nalimutan natin na tuloy-tuloy pa rin ang buhay, walang humpay ang pagkayod para sa magandang kinabukasan para sa ating sarili’t pamilya.

- Advertisement -

Sige, subukan natin at pag ginawa nyo ito, baka ang Pasko niyo na simbolo ng kapatiran, katahimikan, at kasaganaan ay hindi lamang minsan kundi panghabang-buhay.

Sa unang araw ng Pasko, seseryosohin ko ang budget. Maraming gastos ngayong kapaskuhan. Kaya dapat hinay-hinay lang. At kung pasok sa budget, go! Pero kung apaw na at kailangan mo pang mangutang para makapag OOTD, makapagyabang sa regalo at magpakalasing sa isipang “bahala na si Lord”, huwag naman.

Sa pangalawang araw ng Pasko, lilinisin ko ang mga utang ko sa credit card. Tama yan para clean slate tayo sa pagpasok ng bagong taon. Walang katumbas ang peace of mind pagdating sa mga bayarin na dapat ay na-budget din bago tayo gumastos.

Sa pangatlong araw ng Pasko, titingnan ko ang emergency fund ko na dapat katumbas ng anim na buwan kong suweldo. Kung meron ako nyan, ayos. Kung kulang pa, yung bahagi ng bonus at 13th month pay ko ay Ilalaan ko sa emergency fund. Mahirap ang mga biglaang pangyayari tulad ng pagkakasakit at iba pang emergencies na walang kang huhugutin na pondo.

Sa pang-apat na araw ng Pasko, sisimulan kong pag-isipan ang pagkakaroon ng life insurance na may kasamang health coverage para proteksyonan ang akong pamilya kung sakaling ako’y magkasakit o kunin ni Lord at walang maasahan ang aking pamilya.

Sa pang-limang araw ng Pasko, kung may insurance na ko, titingnan ko ulit ang mga beneficiaries na inilagay ko noon at suriin kung dapat bang palitan, dahil na rin sa pagbabago ng panahon, ng aking estado sa buhay at mga prayoridad.

- Advertisement -

Sa pang-anim na araw ng Pasko, tatanungin ko ang sarili ko kung may “big spending” ba kong binabalak sa susunod na taon tulad ng pagbili ng kotse o property para pagplanuhan ng maaga, ipunin ang sobrang kita at mag-preno sa mga “gusto ko ito, gusto ko yan, gusto ko lahat” na mentalidad tuwing may ekstrang pera sa baul.

Sa pampitong araw ng Pasko, pag-iisipan ko na ring simulan ang pagplaplano sa retirement. Mabilis lang ang pagtakbo ng panahon at gusto kong magretire nang maaga at enjoyin ang buhay habang malakas pa. May lifestyle ba kong gusto at sapat ba ang pensyon na potensyal na makukuha ko? Kung hindi, dapat meron akong sariling retirement plan para habang mas maaga, maitaguyod ko na ang ipon at investment na kailangan.

Sa pang-walong araw ng Pasko, ok na ba ko sa financial goals ko para sa susunod na tatlo, lima o sampung taon? Dapat ko siyang i-review, baguhin kung kailangan o dagdagan kung sa tingin ko kakayanin kong pagsumikapaan at tuparin.

Sa pang-siyam na araw ng Pasko, panahon na para pagaralan ko ang mga iiwan ko sa aking pamilya at hindi sila mag-aaway-away pag dumating na ang pagkakataon na yun. Kung may propesyonal na tutulong sa akin na gumawa ng estate plan o di kaya’y will para maisaayos ang lahat ng aking pinaghirapan at mapakinabangan ng maiiwan kong pamilya.

Sa pang-sampung araw ng Pasko, ilalatag ko lahat ng naging investment ko sa mga taong nagdaan — pinansyal man o real property o ano pa mang oportunidad na pinasok ko para magkaroon ng kita para sa aking pagtanda. Dapat meron akong kaalaman kung ano na ang nangyari sa mga investment na ito at kung ang mga ito ba’y tugma sa aking prayoridad o mga pangangailangan sa kasalukuyan. Ang pag-balanse ng risk o panganib at return o kita ng mga investments ay mahalaga para maranasan natin na magbenepisyo sa mga ito kahit ako’y retired na at wala ng suweldo o income.

Sa pang-labing isang araw ng Pasko, kung may konting kinita sa mga investment na ito, ipapamahagi ko ang iba nito sa mga gusto kong simbahan o charities para makatulong kahit kaunti. Ika nga, maganda sa oakiramdam ang magbigay kesa tumanggap lalo na tuwing Kapaskuhan.

At sa pang-labing dalawang araw ng Pasko, magpapasalamat ako sa Panginoon sa buhay na pinagkaloob sa akin. Ipagdadasal ko na bigyan Nya ako ng talino’t puso sa lahat ng desisyon kong pinansyal at matupad ko ang pinapangarap ko sa sarili’t pamilya ko.

O, Juan, kantahin na nga lang natin yan. “On the first day of Christmas, my true love gave to me . . .”

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -