27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

2,244 benepisyaryo ng Tara, Basa! Tutoring Program tumanggap ng payout

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALO kahapon (Disyembre 14) si Mayor Eric Olivarez sa ginanap na payout para sa 2,244 benepisyaryo ng Tara, Basa! Tutoring Program sa Barangay Don Bosco Gymnasium at Barangay Sto. Niño Covered Court.

Si Mayor Eric Olivarez (ikalawa mula sa kaliwa) sa ginanap na payout para sa 2,244 benepisyaryo ng Tara, Basa! Tutoring Program ni Manuel Perez/Mayor’s Office

Ayon sa punong lungsod, ang Tara, Basa! Tutoring Program ay isang Cash-for-Work program na ibinaba ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque.

Layunin ng programang ito ay matulungan ang mga mag-aaral sa elementarya na hindi pa marunong magbasa at hasain ang kanilang kasanayan sa pagbabasa. Ito rin ay isang financial assistance program sa mga college students na magsisilbing tutors at youth development workers, gayundin sa mga magulang at guardians ng mga mag-aaral sa elementarya.

Inihayag naman ni Mayor Eric ang kanyang pasasalamat sa DSWD sa pagbaba ng kahalintulad na programa. Aniya, ito ay higit na makakatulong sa mga residente ng lungsod, lalo na sa mga kabilang sa indigent families.

Kasama ring dumalo sa naturang programa sina District 1 Congressman Edwin L. Olivarez, ang Sangguniang Baranggay ng Barangay Don Bosco sa pangunguna ni Barangay Captain Mar Jimenez, ang Sangguniang Barangay ng Barangay Sto. Niño sa pangunguna ni Barangay Captain Johnny Co, at ang mga kawani ng DSWD-NCR.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -