24.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 29, 2025

Bagong gusali ng Manila Science High School pinasinayaan

- Advertisement -
- Advertisement -

PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang sampung palapag na bagong gusali ng Manila Science High School ngayong ika-14 ng Disyembre.

Sinaksihan nito ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, Vice Mayor Yul Servo Nieto, Cong. Irwin Tieng, dating Mayor Isko Moreno Domagoso, Manila Science High School Principal Manolo Peña, at Parent Teacher Association President Atty. Mary Jane Paguilagan.

Ang bagong gusali ng Manila Science ay mayroong 158 na silid-aralan, 16 na mga opisina, may silid aklatan, canteen, basketball gym, roofdeck para sa mga outdoor sports, 5 elevators, at isang auditorium.

Ang nasabing auditorium ay pinangalanang Joaquin Domagoso Auditorium biglang pagkilala sa pagpapahalaga ng ama ng dating punong lungsod Isko Moreno Domagoso sa kaniyang pag-aaral.

 

(Mga kuha ni K R De Asis/MPIO)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -