28 C
Manila
Biyernes, Marso 1, 2024

Deadline ng PUVMP industry consolidation, tuloy sa Disyembre 31, 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

WALA nang magiging extension sa Industry Consolidation deadline na nakatakda sa December 31, 2023 alinsunod sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.  noong Martes, December 12, 2023.

Mariing ipinapaalala ng Department of Transportation (DOTr), kasama na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Office of Transportation Cooperatives (OTC), sa lahat ng driver at operator ng mga pampublikong sasakyan na sakop ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), na mag-sumite ng mga sumusunod na dokumento para sa kanilang petition for consolidation:

  1. Latest LTO Official Receipt at Certificate of Registration (OR at CR);
  2. SEC Certificate of Registration/Certification (Para sa Korporasyon) o CDA Registration/OTC Certification (Para sa Kooperatiba); at
  3. Affidavit of Conformity na nagsasaad na pumapayag ang individual operator na isama sa kooperatiba o korporasyon ang kanyang prangkisa at unit.

Sa inilabas na pahayag ng DOTr, sinabi nito na nauunawaan nila ang pangamba ng bawat driver at operator kaugnay ng nalalapit na deadline.

Dahil dito, inatasan ang tanggapan ng LTFRB at Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa maglagay ng priority lane para sa lahat ng mga hahabol sa application for consolidation, gayundin para tugunan ang anumang pangangailangan ng mga ito.

Magiging bukas ang opisina ng mga nasabing ahensya mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 AM – 5:00 PM sa buong buwan ng December 2023.

Tiniyak ng DOTr, LTFRB, at OTC na mananatiling bukas ang kanilang mga tanggapan upang magbigay ng kinakailangang assistance o tulong upang mas mapagaan at mapabilis ang proseso ng consolidation para sa lahat ng driver at operator sa ilalim ng PUVMP. (SDL/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -