27.7 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

Malabon tumanggap ng Gawad Kalasag Seal of Excellence Award sa ikalawang pagkakataon

- Advertisement -
- Advertisement -

“Taos-pusong pasasalamat sa inyong suporta,” sabi ni Mayor Jeannie Sandoval.

Tinanghal ang Malabon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Gawad Kalasag Seal of Excellence Award at “Beyond Compliant” na idinaos noong December 11, 2023 sa Manila Hotel.

Dagdag pa ng alcalde, “Ito’y patunay sa ating masusing paghahanda at dedikasyon sa kaligtasan ng ating komunidad. Ang parangal na ito’y nagbibigay inspirasyon sa atin na patuloy na magsikap para sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan. Maraming salamat sa inyong suporta at pagkakaisa.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -