26 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

MMDA, handang umalalay sa publikong apektado ng transport strike

- Advertisement -
- Advertisement -

HANDA ang nasa mahigit 600+ rescue vehicles mula sa MMDA, mga iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, at mga Local Government Units (LGUs) s para sa mga mananakay na maaapektuhan ng dalawang araw na transport strike.

Sa pangunguna ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana at MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez, maagang sinimulan ng Inter-Agency Task Force ang pagmomonitor sa MMDA Communications and Command Center (MMDA-CCC) ang lagay ng mga lansangan sa Metro Manila ngayong Huwebes, unang araw ng tigil-pasada ng grupong Piston para sa kanilang  pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Inatasan naman ang mga traffic enforcers na paigtingin ang traffic management at umasiste sa crowd control sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos-protesta.

Kaninang 7:09 a.m., mayroon ng naireport na pagtitipon ng mga miyembro ng grupong Piston sa Pasig, Parañaque, at Quezon City

Tinitiyak naman ng team na nakahanda ang assets ng pamahalaan para masiguro na walang maii-stranded na mga commuters ngayong may tigil- pasada. (MMDA/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -