28.8 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Pasay, ginawaran ng SGLG

- Advertisement -
- Advertisement -

PERSONAL na tinanggap ng Ina ng Lungsod ng Pasay, Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Seal of Good Local Government (SGLG) na iginawad ng Department of Local and Interior Government (DILG) nitong Disyembre 13, 2023 sa Manila Hotel, Lungsod ng Maynila.

Larawan mula sa DILG Facebook page

Sa mensahe ng DILG Secretary Benhur Abalos hinimok niya ang tumanggap ng naturang pagkilala na pag-usapan sa iba’t-ibang paraan at pagtitipon ang mga paraan upang maging mahusay sa pamamahala.

Pagkilala ay nakabatay sa sampung governance area na may kinalaman sa pamamahalang pinansyal, pagtugon sa sakuna, social protection, kalusugan, edukasyon, negosyo, kapayapaan at kaayusan, turismo at kultura at kabataan.

Labing-isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila ang tumanggap ng parangal ayon sa itinatadhana ng Republic Act No. 11292 o “The Seal of Good Local Government Act of 2019.” Isang patunay na ang pagkilalang ito ay bunga ng higit pa sa sapat at tapat na paglilingkod sa bawat pamilyang Pasayeño. Pasay Public Information Office Facebook page

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -