27.7 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

Asean-China forum para sa kaligtasan sa paggawa, nilahukan ng DoLE sa Nanning

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa ibang opisina ng Tsina para sa Asean-China Forum on Work Safety Cooperation na layong tugunan at pagbutihin ang mga polisiya sa ligtas na paggawa sa rehiyon.

Ginanap nitong ika-4 at ika-5 ng Disyembre, ang forum na may temang “Prevention and Safety First” ay nagsilbing plataporma sa DoLE upang ibida ang mga mahuhusay na gawain at polisiya ng Pilipinas ukol sa pagpapatupad ng ligtas na paggawa.

Sa kanyang pambungad na pahayag, ipinagmalaki ni Undersecretary Benjo Santos Benavidez ang mga makabuluhang nagawa na ng Pilipinas at Asean ngayong taon para sa pagkakaroon ng mga ligtas na lugar sa paggawa.


Kanya ring binigyang-diin ang iba’t ibang inisyatibo na nagpamalas ng kolektibong dedikasyon sa pagsulong ng kaligtasan at kalusugan sa trabaho.

Ipinrisenta rin ng DoLE ang iba’t ibang pamamaraan sa pagpapatupad ng ligtas na paggawa na makatutulong sa pagsulong ng epektibong pagtalima sa mga pamantayan sa paggawa upang matiyak ang kapakanan ng mga manggagawa.

Kabilang na rito ang mga legal na gabay at polisiya, technical at advisory visits, pakikisalamuha sa iba’t ibang ahensiya, at ang proaktibong pagsasagawa ng labor inspection at imbestigasyon.

Samantala, nagbigay naman ng talumpati at sub-forums ang mga ibang kalahok na may mga kinalaman sa International Labour Organization at mga bansang kasapi ng Asean.

Kasama rin sa aktibidad ang pagbisita sa China (Guangxi)-Asean Emergency Management Technology Exhibition at sa ibang sub-forums na nakatutok sa work safety supervision, law enforcement, at enterprise management.

Pinangunahan ng Ministry of Emergency Management, People’s Republic of China, at ng People’s Government of Guangxi Zhuang Autonomous Region ang pagtitipon na layong pagtibayin ang kaligtasan sa paggawa sa rehiyon sa pamamagitan ng mga diskusyon.

Co-host naman ang DoLE bilang chairman ng Asean Occupational Safety and Health Network. Pinangunahan naman nina Undersecretary Benavidez, Assistant Secretary Warren Miclat, at Regional Director Lilia Estillore ang delegasyon ng Pilipinas. 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -