27.7 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

Katiwalian malamang na manatili kung hindi magpapatupad ang gobyerno ng digitalization — Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

MALAMAMG na manatiling problema ang katiwalian sa mga pampublikong transaksyon maliban na lang kung magpapatupad ang gobyerno ng digitalization para sa lahat ng serbisyo nito, ani Senador Win Gatchalian.

Naniniwala si Senador Win Gatchalian na mananatiling problema ang katiwalian sa mga pampublikong transaksyon maliban na lang kung magpapatupad ang gobyerno ng digitalization para sa lahat ng serbisyo nito.

 

“Kahit anong gawin mo, kahit gaano karaming empleyado ang iyong sibakin o imbestigahan, ang tanging paraan para maalis ang katiwalian ay sa pamamagitan ng digitalization. Kung hindi mag-digitize, hindi maaalis ang katiwalian. Kakambal ng red tape ang korapsyon. Kung may korapsyon, may red tape, kung may red tape, may korapyson,” sabi ni Gatchalian sa katatapos na Ease of Doing Business Convention na inorganisa ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

 

Ayon sa kanya, ang insidente ng red tape na humahantong sa katiwalian ay maaaring dumami bago ang Pasko at Bagong Taon dahil ang mga tao ay nagmamadali na sa pagkumpleto ng mga transaksyon na kailangan nila mula sa gobyerno.

 

“Inaasahang dadami na naman ang katiwalian sa gobyerno, lalo na ngayong malapit na ang Christmas break at marami ang nagmamadaling matapos ang mga transportasyon. Kailangang maging huwaran ang mga nagtatrabaho sa gobyerno sa tapat na paglilingkod upang maisakatuparan ang kultura ng kickback o lagay,” dagdag niya.

 

Inulit ang pangangailangan ng ganap na digitalization, nanawagan si Gatchalian para sa naturang aksyon, lalo na’t ang red tape ay humahadlang para maabot ng bansa ang buong potensyal nito. Inihain na niya ngayong 19th Congress ang Senate Bill 685, o ang Full Digital Transformation Act, na nag-uutos  ng ganap na digital transformation sa lahat ng ahensya ng gobyerno, opisina, at korporasyon, kabilang ang mga local government units pagsapit ng 2025. Ang panukalang batas ay nagpapataw din ng mga parusa at pananagutan sa mga pampublikong opisyal at empleyado ng gobyerno na patuloy na tumatanggi o hindi makatuwirang ipinagpapaliban ang pagpapatibay ng mga pagsusumikap sa digitalization nang walang anumang makatwirang dahilan.

 

Binalikan ni Gatchalian ang ginawa niya sa sa Valenzuela City noong siya’y bagong alkalde pa. Sinimulan niya ang planong alisin ang korapsyon sa pamamagitan ng pag-digitalize ng mga serbisyo publiko.

 

“Madalas kaming sinasabotahe tuwing sinusubukan naming mag-digitalize. Napakaraming pagtutol noon sa digitalization, ngunit kailangan naming magpatuloy. Kailangan naming maging determinado na itulak ang digitalization dahil alam namin na walang mangyayari kung hindi naming gagawin yun,” sabi niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -