31.8 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

Panimulang Kurso sa Wika at Kulturang Filipino sa Universidad Nacional Autónoma de México isinagawa

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAGUMPAY na naisagawa ang anim na sesyong Panimulang Kurso sa Wika at Kulturang Filipino sa Universidad Nacional Autónoma de México (UNAM). Dinaluhan ito hindi lamang ng mga estudyante at kaguruan ng UNAM kundi maging ng ilang mananaliksik at interesado sa wikang Filipino mula sa Colombia at Peru.

Ito na ang pangatlong laboratoryong pangwika na naisagawa ng Sentro ng Wikang Filipino-Unibesidad ng Pilipinas Diliman (SWF-UPD) katuwang ang unibersidad sa ibayong-dagat. Unang naisagawa ang programa sa Università degli Studi di Napoli L’Orientale sa Italya noong Abril-Mayo 2023, na sinundan ng klase sa Unibersidad ng Thammasat (มหาวิทยาลัยธรรมศาสตร์) sa Thailand noong Hunyo 2023.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -