27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

Parade of Stars ng MMFF, mainit na sinalubong ng mamamayan ng Malabon

- Advertisement -
- Advertisement -

NASILAYAN ng mga taga-Malabon ang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pagdaan nito sa Lungsod ng Malabon.

Ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, “Talaga namang napuno ng kulay at kakaibang saya ang ating mga kalsada dahil sa mga napakagandang floats na dala ang mga artistang bumida sa 10 movies na tampok ngayong taon.”

Narito ang mga pelikulang mapapanood niyo sa MMFF ngayong Disyembre: “A Family of 2 (A Mother and Son Story),” “Kampon,” “Penduko,”

“Rewind,” “Becky and Badette,” “Broken Heart’s Trip,” “Firefly,” “GomBurZa,” “Mallari” at “When I Met You in Tokyo”

Dagdag pa ni Mayor Sandoval, “Maraming salamat sa MMFF sa pagbibigay ligaya sa ating mamamayan! Patuloy tayong magsama-sama at suportahan ang ating lokal na industriya ng pelikula. Mabuhay ang pelikulang Pilipino!”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -