26 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Zubiri: Negros Island Region Act. aprub na sa 2nd reading

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Senate President Migz Zubiri sa kanyang Facebook page na aprub na sa 2nd reading ang Negros Island Region Act.

“Good news sa ating mga kasimanwa: Approved on Second Reading na sa Senado ang ating Negros Island Region Act!”

Sa panukalang ito, mapapadali ang paghatid ng serbisyo publiko sa mga taga-Negros Oriental, Negros Occidental, at Siquijor—at hindi na nila kakailanganin maglakbay pa sa Cebu o Iloilo para makapunta sa mga government offices.

Dagdag pa ng Senate President, “Patuloy nating isusulong ang NIR bill sa susunod na taon!”

Samantala, ganon din ang iniulat ni Senador JV Ejercito sa kanyang Facebook page.

“Pasado na po sa second reading ang Senate Bill No. 2507 — o ang panukalang Negros Island Region Act.”

Paliwanag pa ni Ejercito, “Ang panukalang panukala ay naglalayong buhayin ang paglikha ng Negros Island Region, na bubuuin ng mga lalawigan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Negros Occidental, kabilang ang Lungsod ng Bacolod, Pamahalaang Panlalawigan ng Negros Oriental, at Pamahalaang Panlalawigan ng Siquijor.”

Dagdag pa niya, “Naniniwala ako na ang panukalang batas na ito ay kinakailangan para sa pagpapalakas ng kahusayan ng paghahatid ng serbisyo sa lugar at pagbibigay ng kaginhawahan para sa mga residente ng rehiyon.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -