27.7 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

Mahigit 67K na Makati seniors, nahatiran ng libreng gamot

- Advertisement -
- Advertisement -

MAHIGIT 67,000 mga senior citizens ng Makati City ang nakatanggap ng libreng gamot.

Umabot na sa 67,097 senior citizens ng lungsod ang nabigyan ng libreng gamot sa pamamagitan ng free delivery program ng Makati ngayong taon.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, special delivery ang gamot ng senior citizens upang mas mapadali at mapabilis ang pagkuha nila ng libreng gamot. Dagdag pa niya sa pamamagitan nito, hindi na nila kailangang pumila para makakuha ng gamot.(My Makati/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -