27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Mga serbisyo ng DoLE, nakapagtala ng 99% satisfaction sa Q3, H1 ng 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKAPAGTALA ng halos perpektong grado o 99.280% porsiyento satisfaction rating ang mga serbisyo ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa ikatlong kuwarter ng 2023, isang testamento sa trabaho nitong maging mas mabilis at epektibo ang serbiyo sa publiko.

Pinuntusan base sa walong service dimensions, nakapagtala ang DoLE ng 4.957 mula sa perfect score na 5.0 para sa responsiveness, 4.971 sa parehong reliability at outcome, 4.964 sa access at facilities, 4.963 sa communication, 4.945 sa costs, 4.972 sa integrity, at 4.969 sa assurance.

Sakop ng third quarter report para sa Client Satisfaction Measurement ang frontline services ng DoLE Central Office at regional offices na may kabuuang 48,543 walk-in at online respondents. Karamihan sa mga ito ay nagsabing “very satisfied” sila sa mga serbisyo ng DoLE.

Dahil na rin sa satisfaction score nitong third quarter, umabot naman sa 99.325 porsiyento ang kabuuang satisfaction sa unang semester ng taon mula sa feedback ng 83,961 respondents.

Sa unang semester ng taon, naitala ang 4.965 na puntos para sa responsiveness, 4.969 para sa parehong reliability at integrity, 4.966 sa access at facilities, 4.967 sa communication, 4.957 sa costs, 4.970 sa assurance, at 4.972 sa outcome.

“Ikinagagalak namin ang tiwala ng publiko sa frontline services ng DoLE na layong suportahan ang lahat ng manggagawang Pilipino. Ipinapakita nito ang pagsisikap sa  ilalim ng Bagong Pilipinas na gawing mas abot-kaya at epektibo ang mga programa sa empleyo at paggawa,” saad ni DoLE Secretary Bienvenido Laguesma.

“Ipagpapatuloy ng DoLE, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mga nakamit na nito at sa pagpapatibay ng mga programa ng DoLE upang gawing reyalidad ang pagkakaroon ng disenteng trabaho para sa lahat,” dagdag pa ng kalihim.

Agarang tulong sa pamamagitan ng pagtawag

Maliban sa mga kilalang programa ng DoLE, ipinapaabot din ng departamento ang tulong nito sa pamamagitan ng pagtugon sa mga ulat, reklamo, at tanong ng publiko sa pamamagitan ng DoLE Hotline 1349.

Simula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, may kabuuang 75,446 na tawag at 75,695 na katanungan ang naitala sa DoLE Hotline 1349.

Karaniwan sa mga tinugunan ng DoLE ay may kinalaman sa labor standards; mga usapin sa empleyo at paggawa; hindi pagbabayad ng mga itinakdang benepisyo; termination, separation, at resignation; at ang implementing guidelines ng New Minimum Wage.

Samantala, mayroon namang 811 tawag o ulat na may kinalaman sa paggawa ang natanggap ng Hotline 8888 and Contact Center ng Bayan simula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Lahat naman ng 811 na ulat sa mga proseso ng gobyerno, paggawa, integridad at asal, at frontline na serbisyo ng pamahalaan at natugunan.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -