28.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

Turismo at programang ‘Sagwan sa Lawa ng Naujan’

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG pagmamalaki sa mga tanging-yaman sa paligid sa Lawa ng Naujan, inilunsad kamakailan ng Naujan Tourism Office ang programang ‘Sagwan sa lawa ng Naujan – Naujan Lake Boat Tour’ kasabay ang pagbubukas ng Montelago Nature’s Park na isa sa magpapalakas ng turismo sa Naujan, Oriental Mindoro.

Pinangunahan ni Municipal Tourism Coordinator Disoy Gillado at ang kumatawan kay Naujan Mayor Henry Joel Teves na si Municipal Administrator Arwin Gayutin, kasama din si Protected Area Management Board (PAMB) – Naujan Lake National Park (NLNP) Ecosystems Management Specialist 2nd, Jose Maria Fontanilla at mga opisyales ng Montelago Tour Guide Association ang pag-iikot sa lawa sakay ng bangka para ipakita ang maganda at yaman na mayroon ito.

Isa sa mga atraksiyon sa lawa ng Naujan ang Montelago Nature’s Park na kung saan ay maaring makapamili ng mga pasalubong na produkto ng Montelago Tour Guide Association na ilan lamang na makikita sa naturang lugar. (Larawan kuha ng Naujan Tourism Office)

Samantala, muling binuksan ang Montelago Nature’s Park makalipas ang tatlong taon na pansamantalang tigil operasyon dahil sa pandemya. Maaring makapamili ng iba’t-ibang mga pasalubong na lokal na lutong pagkain tulad ng ginataang dalag, kohol at hito, inihaw na tilapia, sinigang na hipon, mga sariwang gulay, na ilan lamang sa mga mabibili doon. Matatagpuan din ang ipinagmamalaking Montelago Naujan Hot Spring na kung saan makikita ang isang balon na may kumukulong tubig.

“Anyayahan ninyo ang inyong mga kamag-anak, kaibigan, kaeskwela, katrabaho at iba pa na dayuhin ang ating lugar at nang maramdaman nila kung gaano kaasikaso ang mga Naujeño at makita rin ang magagandang tanawin ng ating bayan,” panawagan ni Gillado sa mga Naujeño.  (DN/PIA Mimaropa-OrMin/NaujanTourism Office)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -