27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Courtesy call kay Senador Raffy Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -

NAG-COURTESY call si Singaporean Ambassador to the Philippines Constance See kay Sen. Idol Raffy Tulfo sa Senado noong Disyembre 11, 2023.

Sa pagbisita ni Ambassador See, pinuri niya ang kasipagan ng OFWs sa Singapore at pinasalamatan dahil sa malaking ambag nila sa kanilang bansa na ikinatuwa naman ni Sen. Idol.

Ikinatuwa rin ni Sen. Idol nang malaman na mayroong ipinapatupad na Labor Management Framework sa Singapore kung saan regular na binibisita ng labor officers nila doon ang migrant workers sa bahay ng kanilang employers upang kumustahin at siguruhin na maayos ang kanilang kalagayan.

Mas lalong nasiyahan si Sen. Tulfo nang sabihin ni Ambassador See na mayroon silang batas sa Singapore kung saan isa’t kalahati na higit kaysa sa regular na parusa ang ipinapataw sa sinumang nagmaltrato o lumabag sa karapatang pantao ng mga migrant worker doon.

Maliban dito, binanggit rin ni Ambassador See na required sa kanilang batas na isabak ang employer sa seminar at training bago tumanggap ng migrant workers sa kanilang mga tahanan. Ito ang isang bagay na matagal nang itinutulak ni Sen. Tulfo sa ating Department of Migrant Workers na dapat ipatupad din sa ibang lugar tulad ng Middle East kung saan mataas ang record ng pang-aabuso sa ating mga OFW.

Binigyang diin ni Sen. Tulfo na ang Singapore ay maituturing na model country na dapat pamarisan ng ibang bansa.

Dagdag pa niya, ang mga magagandang pulisiya ng Singapore na pabor sa mga migrant workers ang kanyang itinutulak para isulong ng ating gobyerno sa ibang bansa lalo na sa Middle East. Teksto at larawan mula sa Facebook page ni Senator Raffy Tulfo

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -