30.1 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

Mga biktima ng sunog sa Lapu-Lapu City Cebu, tinulungan ni Sen. Bong Go

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAPOS ang kanyang pag-aabot ng tulong sa Carranglan, Nueva Ecija, agarang lumipad si Senator Bong Go patungong Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu ngayong araw, December 19, upang mamahagi ng tulong sa mga naging biktima ng sunog kamakailan.

Tumanggap na grocery packs, water containers, pagkain, shirts, vitamins, masks at bola 1,575 apektadong pamilya mula kay Senator Kuya Bong Go. Nakatanggap din ng bisikleta, cellphone, sapatos, at relo ang ilang piling residente mula sa senador.

Naroon din ang ilang ahensya ng gobyerno upang magsagawa ng assessment sa mga kwalipikadong benepisyaryo na makakatanggap ng tulong mula sa programa ng pamahalaan.

“Nakakalungkot man po na masunugan dahil para po kayong bumalik sa simula pero mas importante po ang buhay ng bawat isa. Ang gamit po ay nabibili, pero ang pera na kikitain natin ay hindi po nabibili ang buhay. Kaya pag-ingatan natin ang buhay na binigay sa atin ng Panginoon,” mensahe ng senador.

Dumalo sa naturang relief activity sina Congresswoman Ma. Cynthia King–Chan, Mayor Junard “Ahong” Chan, Brgy. Captain Ranie Emperio at iba pang barangay officials. Teksto at larawan mula sa Facebook page ni Senator Bong Go

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -