28.1 C
Manila
Linggo, Hulyo 21, 2024

Mga mag-aaral sa liblib na bayan sa Isabela nabigyan ng mga bagong libro

- Advertisement -
- Advertisement -

NAMAHAGI ng mga libro ang Sierra Falcones Cagayan Valley at Greater Northern Luzon sa 380 mag-aaral sa pamamagitan ng proyektong “Akyat-Aklatan” nito sa Villa Miranda Integrated School sa liblib na nayon ng Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Ang mga opisyal at boluntaryo ng Sierra Falcones Cagayan Valley at Greater Northern Luzon ay nagbigay ng mga babasahin sa 380 mag-aaral ng Villa Miranda Integrated School sa liblib na nayon ng Dibuluan, San Mariano, Isabela. (Larawan mula sa Sierra Falcones)

Samu’t saring libro ang itinurn-over sa teacher-in-charge na si Frecelyn Ayson, kasama ang paaralan, mga opisyal ng barangay gayundin ang ilang magulang na nagsisilbing saksi.

Ang proyekto ng non-government organization ay isinagawa katuwang ang 95th Infantry Battalion, 502nd Infantry Brigade, Police Regional Office (PRO) -2’s Community Affairs and Development Division, San Mariano Police Station, Rotaract Club ng Tuguegarao Citadel at ang Youth for Peace Isabela chapter.

Ayon kay Jericho Joshua Kahulugan, national director for communications ng Sierra Falcones, ang C&E Publishing Company ang nagbigay ng mga libro.

Binigyang-diin ni Mark Djeron Tumabao, regional president, sa kanyang mensahe na bahagi ng kanilang misyon bilang environmental at educational advocates ang patuloy na pagbibigay ng educational materials para sa mga mag-aaral sa malalayo, liblib at hindi palaging napupuntahang mga lugar.

“Hinihikayat namin ang mga mag-aaral na basahin ang mga libro dahil ang mga aklat ay nilimbag para basahin at hindi para pan­-display lamang,” ani Tumabao.

Sinabi naman ni Ayson, ay nagpaabot din ng pasasalamat sa grupo sa pagpili ng kanilang paaralan upang maging benepisyaryo ng proyektong ‘Akyat-Aklatan’.

Bukod sa pamamahagi ng mga libro, namigay rin ang mga pulis ng limang kilong bigas sa bawat isa sa 140 mga magulang at mag-aaral bilang regalo sa Pasko. (PIA Isabela)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -