27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

MMDA, namahagi ng grocery packs sa mga rider

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYA ang Pasko ng ilang motorcycle riders matapos mamahagi ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga grocery packs.

May 300 na masuswerteng motorcycle riders sa EDSA ang nabigyan ng grocery packs nitong Martes, Disyembre 19, 2023, bilang bahagi ng kanilang ‘Ticket or Treat.’

Ayon sa MMDA, ang pamamahagi ng grocery packs sa ilang mga piling riders ay pagbibigay balik sa mga motorista na sumusunod sa batas trapiko.

Samantala, nasa 2,400 mga tauhan ng MMDA ang naka-deploy sa mga major thoroughfares para sa kaayusan ng trapiko sa Kamaynilaan(PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -