26.1 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Panukalang batas na naglalayong gawing moderno ang Philippine Coast Guard inihain ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGHAIN si Senator Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong gawing moderno ang Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.

Naghain si Senador Win Gatchalian ng Senate Bill 2516, na kung magiging batas ay tatawagin bilang PCG Modernization Act. Ito ay maglalaan ng modernization program na naglalayong pagandahin ang mga pasilidad ng Philippine Coast Guard. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Ang Senate Bill 2516, na kung magiging batas ay tatawagin bilang PCG Modernization Act, ay maglalaan ng modernization program na naglalayong pagandahin ang mga pasilidad ng PCG, palakasin ang kakayahan nito, at paigtingin ang epektibong pagpapatupad ng mandato nito sa ilalim ng Republic Act 9993 o Philippine Coast Guard Law.

Sa naturang panukalang batas, nais ng senador na makilala ang PCG bilang “world-class guardian of the sea” pagdating ng 2025 na mayroong makabagong teknolohiya at mga equipment.

“Malaki ang papel na ginagampanan ng Philippine Coastguard upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng ating teritoryong pandagat, masiguro ang environmental protection, at mabilis na makatugon sa anumang panganib o aksidente sa dagat,” sabi ni Gatchalian, kasunod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

“Sa gitna ng iba’t ibang insidente ng maritime disasters na kinakaharap ng bansa tulad na lang ng makailang beses na oil spill, banggaan ng mga barko, at pangha-harass na tinatanggap ng PCG mula sa Coast Guard ng China, kailangan nang gawing moderno ang PCG at pahusayin ang mga kakayahan nito na tumugon sa lahat ng mga insidente sa dagat,” dagdag niya.

Ang panukala ni Gatchalian ay magtatatag din ng PCG Modernization Trust Fund na kailangang may paunang pondong P1 bilyon.  “Dahil sa malawak na saklaw ng maritime domain ng bansa, kinakailangan na ang ating gobyerno ay magbigay ng kaukulang suporta sa PCG at gawin itong well-equipped para sa maritime safety, maritime security, maritime search and rescue, maritime law enforcement, at maritime environmental protection,” sabi ni Gatchalian.

Ayon sa kanya, ang panukala ay naglalayong pahusayin ang kakayahan ng PCG sa pagtataguyod ng soberanya, territorial integrity, at sovereign rights ng bansa, pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng maritime domain nito laban sa lahat ng anyo ng maritime incidents at transnational crimes, bukod sa iba pa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -