24.7 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Supremo Senador Lapid namahagi ng DoLE-Tupad sa Morong, Bataan

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Supremo Senator Lito Lapid ang distribusyon ng DOLE-TUPAD sa 177 benepisyaryo sa covered court sa Morong, Bataan nitong Martes (Disyemre 19) ng umaga.

Ito ay programa ng Dept. of Labor and Employment para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers na apektado ng Covid-19 pandemic.

Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng halagang P5,000 mula sa DoLE bilang sahod sa ilang araw na pagtatrabaho.

Kasama ni Senator Lapid, sina Mayor Cynthia Linao-Estanislao, Vice-Mayor Lilia Linao Muñoz at DoLE Provincial Director Leilani Reynoso sa pamamahagi ng ayuda.

Pinasalamatan naman ni Supremo ang mga taga-Morong sa mainit nilang pagsalubong sa kanyang pagbisita nitong Martes. Teksto at larawan mula sa Facebook page ni Senator Lito Lapid

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -