31.8 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

#TeamLingkodLoren pinasaya ang mga Tondo, Maynila

- Advertisement -
- Advertisement -

“Maraming pamilya ang muli nating napasaya dahil sa DoLE-Kabuhayan,” ulat ni Senador Loren Legarda sa kanyang opisyal na Facebook page kahapon, Disyembre 19, 2023.

Si Senador Loren Legarda at ang TeamLingkodLoren kasama ang mga taga-Tondo, Maynila.

Sa Brgy. 201, Tondo, Maynila, 255 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-13 sako ng bigas na kanilang magagamit bilang panimula sa kanilang negosyong bigasan mula sa #TeamLingkodLoren.

Nakasama rin ni Senador Legarda ang team ng K Saya Saya sa pangunguna ni Korina Sanchez at Direk David Chua ng Rated Korina.

“Mula sa #TeamLingkodLoren, sana ay mas napasaya namin ang inyong mga Pasko,” bati ng Senadora.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -