28.1 C
Manila
Linggo, Hulyo 21, 2024

Laban, batang Pinoy

- Advertisement -
- Advertisement -

NASA 2,300 delegates mula sa iba’t-ibang parte ng bansa para sa Batang Pinoy (BP) x Philippine National Games (PNG) ang nakaramdan ng Pasigueño hospitality sa isang solidarity meeting na ginanap sa Rizal High School Gym, nitong Disyembre 20, 2023.

Ang mga delegado na ito na binubuo ng coaches at athletes ay kasalukuyang nananatili sa Rizal High School sa kahabaan ng National Championship Games sa 2023 BP at PNG (December 16 – 22, 2023).

Mainit na pagbati para sa mga delegado ang ipinaabot nina Mayor Vico Sotto at Congressman Roman Romulo. Highlight din ng solidarity meeting ang performance ng pride of Pasig – ang Pasig City Band. Bago matapos ang gabi, nagkaroon din ng friendly games sa pagitan ng mga delegado.

Binati ni Mayor Vico Sotto ang mga manlalaro, “Good luck sa lahat ng delegates para sa 2023 Batang Pinoy at Philippine National Games. At laban, batang pinoy.”

Para sa updates tungkol sa 2023 Batang Pinoy at Philippine National Games, i-check ang official Facebook Page ng Philippine Sports Commission. Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Pasig City Public Information Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -