TUMULAK papuntang Japan si Malabon Mayor Jeannie Sandoval upang dumalo sa Japan Learning Experience na inorganisa ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula Dec. 18-22, 2023.
Kasama ng alkalde ang mga konsehal na sina Nadja Vicencio, Len Yanga, Maricar Torres, Edward Nolasco, Leslie Yambao, Dado Cunanan, Gerry Bernardo at mga masisipag at mga municipal department heads.
Kuwento ni Sandoval, “Personal po naming nakasama si Hirofumi Takada, ang vice president ng National Graduate Institute of Policy Studies (GRIPS).”
Dagdag pa niya, “Isa po itong mahalagang pagkakataon para sa masusing pag-aaral at pakikipag-ugnayan upang lalong mapabuti ang ating serbisyo para sa Malabon. Lubos po akong nagpapasalamat sa DILG para sa oportunidad na ito at kay VP Hirofumi Takada para sa mainit na pagtanggap dito sa Japan. Ang mga matututunan namin dito ay aming gagamitin upang lalong mapaunlad ang Malabon at maihatid ang world-class na serbisyo para sa inyo.”
Bumisita rin ang grupo sa Philippine Embassy ng Japan kung saan mainit silang tinanggap ni Ambassador Mylene De Joya Garcia-Albano.
“Isang karangalan ang makasama si Ambassador Mylene De Joya Garcia-Albano sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa kaunlaran ng ating bansa pati ng magandang pagsasamahan sa pagitan ng Pilipinas at ng Japan,” sabi ni Sandoval.