27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

Senator Jinggoy pinasalamatan ng mga mamamayan ng Taguig

- Advertisement -
- Advertisement -

MALUGOD na pinasalamatan ng Lungsod ng Taguig si Senador Jinggoy Estrada na nagbigay ng P10 milyon para makatulong sa mga Taguiguenos na may sakit tulad ng may kanser, nagpa-padialysis at sa mga nangangailangan ng surgery o therapy.

Tinatayang 1,300 Taguigueño mga pasyente ang nakatanggap ng pinansyal na tulong  sa isang seremonya na ginanap  sa  Dueñas Gymnasium sa Brgy. Central Signal Village noong Disyembre 19.

Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang ginawang pagtulong ng Senador sa mga mamamayan ng Taguig.

“Marami po ang mga taong tumutulong sa atin, nagpapaabot ng pagmamahal sa ating lahat. Sa lahat ng pagkakataon, ipapanalangin po natin na gabayan ng Panginoon si Senator Jinggoy sa paglilingkod nya sa Senado. Marami po ang mga natutulungan ang kanyang tanggapan, at hindi niya ipinagkait ‘yan dito sa City of Taguig. Kaya sana po tatandaan natin itong napakahalagang tulong na ibinigay niya sa atin,” sabu ni Mayor Lani.

Sinigurado ng tanggapan ni Senator Jinggoy na patuloy na tutulong ang kanyang tanggapan para suportahan ang Taguig.

“Hindi po ito ang unang beses na pagpunta ko rito. Sa susunod na taon uulit-ulitin ko ang pagtulong dito sa lungsod ng Taguig. Habang punong-lungsod si Mayor Lani, taun-taon po akong magbibigay ng tulong dito sa Taguig,” ayon sa Senador.

Mayroon ding 1,500 Barangay Security Force (BSF) o Barangay Tanods mula Districts 1 and 2 ang tumanggap ng tulong pinansyal mula kay Senador Jinggoy.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -