28.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

My Grown-up Christmas Wish List

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG) JUAN

- Advertisement -
- Advertisement -

“So here’s my lifelong wish

My grown up Christmas list

Not for myself but for a world in need

No more lives torn apart

That wars would never start


And time would heal all hearts

And everyone would have a friend

And right would always win

And love would never end, no

- Advertisement -

This is my grown up Christmas list.”

ANG ganda ng lyrics ng kanta na yan, Juan.

Oo nga, Uncle. Akmang-akma sa panahon.

Tama ka dyan. Ang daming di magandang nangyari nitong taon na ito. Humina nga ang Covid, pero ang daming binawian ng buhay dahil sa giyera, sa galit, sa sobrang karamutan sa pagmamahal sa kapwa.

Ikaw, Juan, may grown-up Christmas wish list ka ba?

Lagi nating pinaguusapan ang pera. Walang masama dun. Hindi lahat ng problema natin ay

- Advertisement -

masosolusyunan ng pera. Pero kailangan na matatag ang buhay nating pinansyal. Hindi talaga nating maiiwasan ang usapang pananalapi, lalo na’t tayo’y tumantanda at tumatakbo ng mabilis ang panahon.

Ako, meron akong grown up Christmas wish list na pangarap kong mangyari para mas maging maliwanag at masaya ang buhay ng bawa’t Pilipino. Ang tawag ko dito ay ang aking PASKO list:

P-agtibayin pa ang financial literacy ng ating mga kababayan. Lalo na sa ating mga OFWs na nagsasakripisyo at nagtiyatiyaga para kumita ng mas malaki para sa pamilya. Lalo na sa mga millennials at Gen Z na nag-iiba ang priyoridad sa buhay dahil na rin sa iba’t ibang impluwensya ng social media at ng internet. Lalo na sa mga single parents na tumatayong ama’t ina ng kanilang mga anak at mahalaga ang mga oportunidad na mas gumaan ang pinansyal na obligasyon at responsibilidad nila.

Sana tumaas tayo mula sa sinasabi ng World Bank na 25 na porsiyento ng mga adult Pinoy lang ang  may kaalaman at kakayahan sa mga konsepto’t bagay na pinansyal. Sana umaangat din ang bansa natin mula sa bottom 30 ng 144 na bansa na may financial literacy ayon sa isang global study. Palawigin pa ng mga institusyon tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mga insurance companies, mga pribadong bangko, mga foundations at ibang mga eksperto na magturo ng pinansyal na kaalaman at palakasin ang kakayahang mag-impok at mag-invest ng tama para sa kinabukasan.

A-yusin ng pamahalaan ang mga batas, regulasyon at polisiya tungkol sa mga pagiwas at pagsugpo sa mga scams at fraud na nagbibiktima sa mga tao, lalo na sa digital, online o internet.

 

Marami na rin naman tayong mga batas na tumutulong sa pakikipaglaban sa mga scams tulad ng cybercrime law, SIM registration law at ang Financial Protection Consumer Act. Pero mabilis talaga ang mga scammers at fraudsters na nakakaisip ng iba’t ibang paraan kung paano makakaisa at makapanloloko. Maraming sweet talkers pa rin na nangangako ng langit at buwan sa kikitain ng perang iniinvest.

Ayon sa isang ulat, nawalan ng 155 milyong piso ang mga Pilipino dahil sa scams at fraud sa unang walong buwan ng 2023. Online selling scam at financial phishing o ang paghingi ng pribadong pinansyal na impormasyon sa email, tawag o text ang pinakamatinding uri ng pambibiktima sa publiko.

S-ana all sa mga potensyal na oportunidad na kumita ang Pinoy, sa trabaho man o negosyo. Kailangang lumakas ang lokal na ekonomiya para magkaroon ng maraming trabaho at investment ang mga nagnenegosyo.

Matindi pa rin ang problema ng unemployment at underemployment. Mga 4 na milyong Pilipino o 12 porsiyento ng total labor force ang unemployed pa rin at 5 milyon o 17 porsiyento ang underemployed.

Ayon din sa 2021 Family Income and Expenditures Survey, 18.1 porsiyento o halos 20 milyong mga Pilipino ang walang kakayahang matugunan ang kanilang mga basic food at non-food na pangangailangan.

At mula sa isang survey din ng OCTA Research nung July 2023, 50 porsiyento o 13 milyong households ang nagsasabing sila’y mahirap.

K- orapsyon ay dapat patayin sa pamahalaan. Lumang usapin na ang korapsyon. Ang dami ng lumaban. Pero parang cancer na walang lunas.

Ayon sa Corruption Perceptions Index ng Transparency International, ang Pilipinas ay nasa 116 na ranko sa 180 na mga bansa na least corrupt. Ibig sabihin nito ay halos nasa taas tayo ng one-third ng mga bansang matindi ang korapsyon.

Ang korapsyon ay nakakaapekto ng income inequality at kahirapan sa bansa. Kaya mas lumalawak ang agwat ng mahirap at mayaman sa Pilipinas. Ayon sa isang study, ang Pilipinas ang isa sa mga pinakamataas ang income inequality sa East Asia. Isang porsiyento lang ng mga Pilipino ang sumoporta sa 17 porsiyento na total income ng bansa at 14 porsiyento ang naghahati-hati sa ilalim na 50 porsiyento. Pag ganito ang income inequality, mahihirapan tayo sa pangarap nating “better quality of life” at ang lagi nating sinasabi na “financial freedom”.

O- ver dapat para sa edukasyon. Maraming bagay ang makakatulong para paliiitin ang income inequality sa bansa. Nandyan na ang reskilling ng ating manggawa, ang paglago ng pagnenegosyo, ang pagigting ng paglahok ng kababaihan sa labor force, at ang pagangat sa kabuhayang agricultural. Pero di dapat pahuhuli ang pagbabago sa edukasyon para ito ay maging mas epektibo at mataas ang kalidad.

Ayon sa 2022 resulta ng pagsusuri ng Program for International Assessment o PISA sa mga 15 year-olds ng 81 na bansa, ang Pilipinas ay third worst sa science at six worst sa reading at math. Nakakapangilabot. Dahil daw ito sa kahirapan, malnourishment, government neglect at bad English. Gumagrabe na ang  problema ng edukasyon sa bansa. At kahit anong gawin nating financial literacy, mahihirapan tayo kasi wala tayong matibay na pundasyon kung saan ang kaalaman, kakayahan at kumpiyansa ay nagmumula.

Maganda ang aming ginagawa sa Synergeia Foundation (www.synergeia.org.ph/ fb: Synergeia Foundation Inc.) na tumutulong para makapagbasa ng tama’t maayos ang bawa’t bata at maging mas focused at maayos ang local governments sa larangan ng edukasyon sa kanilang mga komunidad.

Pero  mahalaga na tayo’y mag tulong-tulong kasi mabigat talaga ang sitwasyon natin. Sabi nga nila, “it takes a village to raise a child.” Pero idagdag ko na rin na “it takes a good, knowledgeable and compassionate village to raise a child for a brighter future.”

Ganyan ang grown-up Christmas wish list ko, Juan. Yan ang tunay na PASKO para sa akin.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -