26 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Inagurasyon ng Super Health Center sa Tacurong City, sinaksihan ni Senator Bong Go

- Advertisement -
- Advertisement -

WALANG tigil ang paghahatid ni Senator Bong Go ng serbisyo sa ating mga kababayan.

Nitong December 20 ay nasa Tacurong City sa Sultan Kudarat si Senator Kuya Bong Go para personal na saksihan ang inauguration at turn-over ceremony ng itinayong Super Health Center sa lugar.

Aniya, “Itong Super Health Center, isinulong ko noong 2021. Dahil sa kakaikot ko po sa buong Pilipinas, marami pong mga munisipyo, lugar na wala pong sariling health facility. Ang ikinaganda po nito, diyan na po magpapakonsulta. It will help decongest the hospital. Diyan na po pwede ang early detection ng diseases at makakapagbigay agad ng primary care para hindi na lumala ang sakit at hindi na kailangan dalahin sa ospital.”

Kabilang sa mga serbisyong hatid ng SHCs ang database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: X-Ray and ultrasound), pharmacy and ambulatory surgical unit. Nagkakaloob din ito ng eye, ear, nose, and throat (EENT) service, oncology centers, physical therapy and rehabilitation center, at maging telemedicine kung saan puwedeng magpakonsulta ang pasyente sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.

Ayon pa kay Senator Bong Go na chairman ng Senate Committee on Health, sa mga itinayo nang Super Health Centers, nakita niya kung gaano kalaki ang maitutulong nito sa komunidad, lalo na sa rural areas. Layunin ng mga Super Health Centers na ilapit sa mamamayan ang serbisyong medikal ng gobyerno.

Kasama ng senador sa pagtitipon sina Mayor Joseph George Lechonsito, mga board members, mga konsehal, at iba pang local officials ng lungsod.

Samantala, sinilip din ni Senator Kuya Bong Go ang solar lights project sa lugar. Isinulong ng senador na matulungan ang pagpapatayo nito.

Samantala, pinangunahan din ni Senador Bong Go ang pagbubukas ng Dialysis Center sa Tacurong City.

Adbokasiya na ni Senator Bong Go ang health at sports, kaya naman mahalaga para sa kanya ang kalusugan ng bawat Pilipino. Para kay Senator Kuya Bong Go, katumbas ng kalusugan ay buhay ng bawat isa kaya patuloy ang pagsuporta niya sa mga programang pangkalusugan sa ating bansa.

Sa kanyang pagbisita sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Disyembre 20, naimbitahan siya ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Joseph George Lechonsito para pangunahan ang ribbon cutting ceremony ng itinayong Dialysis Center na nasa loob ng City Health Compound sa Brgy. Poblacion. Inisyatiba ito ng Tacurong LGU para makapaghatid ng de-kalidad na serbisyong medikal sa kanilang nasasakupan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -