27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

Provincial buses, papayagang dumaan sa EDSA simula Disyembre 22 – Enero 2

- Advertisement -
- Advertisement -

PAPAYAGANG dumaan sa EDSA ang mga provincial buses simula sa Biyernes ng gabi, Disyembre 22, 2023 hanggang Enero 2, 2024.

Ayon kay MMDA General Manager, Usec. Procopio Lipana, ang mga provincial bus mula North Luzon ay dapat mag-terminate ng kanilang biyahe sa Cubao, Quezon City habang ang mula naman South Luzon ay kinakailangang mag-terminate ng kanilang mga biyahe sa mga bus terminal sa Pasay City.

Ang hakbang na ito ay bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa kanilang probinsya ngayong Kapaskuhan.

Samantala, nag-inspeksyon din ang MMDA sa pangunguna ni General Manager Usec. Procopio Lipana at mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Nitong Miyerkules, umabot sa 121,000 ang naitala ng MMDA na dami ng pasahero sa PITX. (MMDA/PIA-NCR)

Mga larawan mula sa MMDA

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -