26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Balik-tanaw sa mga pag-uusap para sa kapayapaan

- Advertisement -
- Advertisement -

Ikalawang bahagi

Mga pag-uusap na di nagtagumpay sa panahon

ni Pangulong Duterte

SA nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinubukan din ng pamahalaan na magkaroon ng peace agreement sa NDFP subalit natapos ito sa pagdedeklara nya ng Proclamation 360 noong Nobyembre 23, 2017 kung saan ipinatigil nya ng tuluyan ang pakikipag-negosasyon sa mga rebelde.

Sa mga naunang ulat ng The Manila Times, lumalabas na mahigit isang taong nakipag-ugnayan ang pamahalaan sa panahon ni dating Pangulong Duterte sa NDFP.


Apat na beses nagkaroon ng usapang pangkapayapaan at pagbibigay ng pabor sa NDFP kabilang na ang pagpapalaya sa dalawang opisyal ng mga rebelde- ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Kasunod ng pagpapalaya sa dalawa, nagdeklara ng tigil-putukan ang Central Committee at NPA National Operational command ng Communist Party of the Philippines.

Noong Setyembre 27, 2016 tinanggap ng Office of the Executive Secretary ang draft amnesty proclamation para sa 434 kasapi at lider ng NDF, CPP at NPA.

Binawi naman ng mga rebelde  ang tigil-putukan noong Pebrero 2 dahil sa hindi pagtupad ng gobyerno na pakawalan ang mga kasapi nito.

- Advertisement -

Makalipas ang ilang araw Pebrero 6, binansagan ni Pangulong Duterte na mga terorista ang mga komunista dahil sa mga pag-atake nito sa mga kawani ng gobyerno.

Magkagayunman, sinubukan uli ng pamahalaan na makipag-usap at noong Abril 4, nagkasundo ang magkabilang panig na magkaroon ng negosasyon para sa interim ceasefire agreement habang isinasagawa ang ikaapat na usapang pangkapayapaan sa Netherlands.

Noong Mayo 28, kinansela ng pamahalaan ang dapat sana’y ikalimang pag-uusap dahil patuloy ang pag-atake ng mga rebelde sa Mindanao, kung saan nagdeklara ng Martial Law si Duterte kaugnay ng serye ng pag-atake ng Maute group. Binigyang-diin ng dating Pangulo na hindi ito para sa NPA.

Noong Hulyo 8 nagbigay ng conditional pardon si Duterte sa 10 nakakulong na consultant ng NDF bago bumalik sa nakatakdang pag-uusap sa Agosto.

Bago pa man mangyari ang pulong sa Agosto, noong Hulyo 20, kinansela ito ng pamahalaan matapos tambangan ng mga NPA ang convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato.

Kasabay ng pagkansela, sinabi ni Solicitor General Jose Calida ang planong pag-aresto sa NDF consultants dahil sa mga kasong kriminal.

- Advertisement -

Nanindigan na si Pangulong Duterte na hindi ito makikipag-usap pang muli sa mga rebelde kung hindi ng mga ito ihihinto ang kanilang mga pag-atake sa mga kawani ng gobyerno.

Nanindigan rin noong Setyembre 14 ang mga komunistang rebelde na hindi lumagda sa kasunduang tigil-putukan dahil anila, katumbas ito ng pagsuko sa pamahalaan.

Sa kaniyang talumpati sa 58th Change of Command Ceremony ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Duterte na hindi kapaki-pakinabang sa bansa ang makipag-usap pa sa NDF.

Pagdating ng Nobyembre 16, nagpatuloy ang gobyerno sa operasyon nito laban sa NPA sa Mindanao dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng mga rebelde nang mabuwag ang usapang pangkapayapaan.

Makalipas ang ilang araw, Nobyembre 19, inihayag ni Duterte na maglalabas sya ng proklamasyon para bansagang terorista ang mga rebelde at inulit niyang hindi na nya nais pang makipagpulong sa CPP-NDF.

At tuluyan na ngang nahinto ang usapang pangkapayapaan sa administrasyon ni Pangulong Duterte nang ilabas nya ang Proklamasyon 360.

Pag-uusap sa panahon ni Pangulong Aquino 3rd

Sa panahon naman ni dating Pangulong Benigno Aquino 3rd, umabot sa pagda-draft ng kasunduan ang mga pagpupulong ngunit hindi ito umusad dahil sa pag-focus ng administrasyong Aquino sa Bangsamoro Basic Law matapos ang Mamasapano incident.

Nauna ring ipinagpaliban ng NDF ang usapan habang hinihintay nito na palayain ng pamahalaan ang 17 nitong consultants bilang pagsunod sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG).

Kasalukuyang pag-uusap

Samantala, sa kasalukuyang administrasyon nakikita naman ni Satur Ocampo, isang founder ng NDF na ang hadlang ay nagmumula sa mga pahayag ng mismong Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.

Sa kaniyang kolum sa isang pahayagan kamakailan lamang, pinansin ni Ocampo ang mga sinabi ni Galvez na ang usapang pangkapayapaan ng administrasyong Marcos at ng NDFP ay isang panibagong pag-uusap at hindi pagpapatuloy ng usapan.

Nilinaw ng grupo sa pahayag nito na ang usapin ay dapat magpatuloy mula sa mga nakaraang kasunduan ng mga nagdaang negosasyon.

Anumang palatandaan o suhestyon na ang usapin ay isang panibagong simula ng mga negosasyon ay pagbalewala sa mga nakaraang kasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at ng NDFP gaya ng The Hague Joint Declaration (1992), the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG, 1995) at ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL, 1998), na lahat ay may bisa pa.(Any notion or suggestion of a ‘restart’ or a ‘do-over’ of the negotiations,” ayon sa pahayag, “practically disregards previous milestone agreements between the GRP and the NDFP, namely The Hague Joint Declaration (1992), the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG, 1995) and the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL, 1998), all of which remain binding between the two parties.)” saad sa pahayag.

Isa sa isinasaad sa kasunduan sa Hague na ang NDF ay hindi sakop ng judicial entity ng gobyerno kung kaya ang mga NDF consultant at political prisoners ay kinakailangang palayain.

Sa JASIG naman ginagarantiya dito ng magkabilang panig na hindi aarestuhin ang mga kasapi ng NDF negotiating team.

“Tunay na mapapatunayan ng GRP (Government of the Republic of the Philippines) ang sinseridad nito na makamit ang kapayapaan kung kikilalanin nito ang mga mahahalagang balakin na nakapaloob sa The Hague Joint Declaration. (The litmus test of the GRP’s sincerity toward [achieving] just and lasting peace relies on them honoring the substantive agenda items set in The Hague Joint Declaration),” ayon sa pahayag ng NDFP.

Kabilang naman sa kinakailangang solusyunan ay ang malawakang kahirapan, kawalan ng lupa, at kakulangan ng pambansang industriyalisasyon na ayon sa NDFP ay pawang mga nasa draft ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

Duda ang NDFP dahil sa mga naging pahayag ni Secretary Galvez na ang usapang pangkapayapaan na isinusulong ng bagong administrasyong Marcos ay panibago at hindi pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan.

“…kung tunay nga bang mayroong malinis na intensyon na solusyunan ang ugat ng armadong labanan, o baka ito ay isa lamang pakana upang pasukuin ang pwersa ng mga rebolusyonaryo. (whether there is genuine intent to address the root causes of the armed conflict, or are they primarily just interested to strongarm the revolutionary forces into submission?),” ayon sa NDFP.

Dagdag pa nito: “Nakikipagnegosasyon ng maayos ang NDFP sa gabay ng aming tunay na kagustuhan na masolusyunan ang ugat ng armadong labanan. Kung kaya hindi dapat magkaroon ng usapin o pagpapalagay, lalo na kahilingan, para ang NDFP ay sumuko o para sa pwersang rebolusyonaryo (CPP at NPA) na isuko ang kanilang mga armas. (The NDFP engages in the negotiations on the basis of good faith guided by our genuine desire to address the root causes of the armed conflict. There should therefore be absolutely no talk or insinuation, much less demand, for the NDFP to surrender or for the revolutionary forces of the [Communist Party of the Philippines] and the [New People’s Army] to lay down their arms),” ayon sa pahayag.

Ayon sa joint communique na inilathala ng Tanggapang Pampanguluhan sa Komunikasyon nitong Nobyembre 28:

“Mula sa kaalaman na mayroong mga suliraning socioeconomic at pangkapaligiran at banta ng dayuhan sa seguridad ng bansa, kinikilala ng magkabilang panig ang pangangailangan na magkaisa bilang isang bansa upang solusyonan ang mga suliraning ito at resolbahan ang mga dahilan ng armadong labanan.

Nagkasundo ang magkabilang panig na solusyunan ang armadong labanan sa pamamagitan ng may panuntunan at payapang pamamaraan.

Kinikilala ng bawat partido ang malalim na pinag-uugatan ng socio-economic at political na hinaing at nagkakasundo na  magkaroon ng balangkas na magtatakda ng mga prayoridad para sa negosasyong pangkapayapaan na may layuning maabot ang mga mahahalagang repormang pang socioeconomic at political tungo sa isang tama at pangmatagalang kapayapaan.

Ang balangkas na ito na magtatakda sa mga parameters ng pinal na kasunduang pangkapayapaan, ay kinakailangang pagkasunduan ng dalawang partido, ayon sa mga unang talata ng joint communique.

(“Cognizant of the serious socioeconomic and environmental issues, and the foreign security threats facing the country, the parties recognize the need to unite as a nation in order to urgently address these challenges and resolve the reasons for the armed conflict.

“The parties agree to a principled and peaceful resolution of the armed conflict. Resolving the roots of the armed conflict and ending the armed struggle shall pave the way for the transformation of the CPP-NPA-NDFP.

“The parties acknowledge the deep-rooted socio-economic and political grievances and agree to come up with a framework that sets the priorities for the peace negotiation with the aim of achieving the relevant socioeconomic and political reforms towards a just and lasting peace. Such framework, that will set the parameters for the final peace agreement, shall be agreed upon by both parties.)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -