25.2 C
Manila
Sabado, Marso 2, 2024

Back-to-Back wins ng lungsod ng Pasig

- Advertisement -
- Advertisement -

MAINIT na binati ng Pasig City Public Information Office ang mga coach at atletang Pasigueño na nagsilbing delegasyon ng Lungsod ng Pasig sa katatapos na National Championships ng Philippine National Games at Batang Pinoy na isinagawa noong December 17-22, 2023 Dahl sa Back-to-Back wins na naiuwi ng Lungsod ng Pasig.

Nasungkit ng Lungsod ng Pasig ang pagiging Overall Best Performing Local Govt Unit (LGU) sa Philippine National Games (PNG). Nakapagtala ang mga delegado ng 42 gold, 38 silver, at 47 bronze medals.

Samantala, napanatili ng Lungsod ng Pasig ang pagiging 1st Runner Up – Overall Best Performing LGU sa Batang Pinoy (BP) kung saan nakapag-uwi naman ang mga delegado ng 57 gold, 56 silver, at 74 bronze medals.

Ang mga panalong ito ay patunay sa pagpapahalaga ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Sports Development sa ating lungsod. Magsisilbi itong inspirasyon pa rin sa Pamahalaang Lungsod para sa patuloy na pagsusulong ng paglinang sa larangan ng sports.

Maaaring i-check ang Facebook Page ng Philippine Sports Commission para sa iba pang updates tungkol sa PNG at BP.

Previous article
Next articleBulacan, iniuwi ang ikapitong SGLG award
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -